Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Katatagan, 21 Marso

    Walang pagsala ngang itataas mo ang iyong mukha na walang kapintasan; ikaw ay hindi matatakot at magiging tiwasay. Job 11:15.LBD 85.1

    Matuwid para sa mga kabataan ang maramdaman na kailangan nilang abutin ang pinakamataas na pagpapaunlad ng kanilang mga kapangyarihang mental. Hindi natin dapat limitahan ang edukasyon na hindi nilagyan ng Diyos ng limitasyon. Ngunit walang kabuluhan ang ating mga nakamit kung hindi gagamitin para sa ikaluluwalhati ng Diyos at sa ikabubuti ng sangkatauhan. . . .LBD 85.2

    Kaalaman na magpapalakas sa isip at kaluluwa ang kailangan natin, na gagawin tayo nitong mas mabuting mga lalaki at babae. Higit na mahalaga ang edukasyon ng puso kaysa pagkatuto sa mga aklat. Mabuti, kahiman mahalaga, na magkaroon ng kaalaman sa sanlibutan kung saan tayo nabubuhay; ngunit kung ihihiwalay natin ang walang-hanggan sa ating pag-iisip, makagagawa tayo ng kabiguang hindi na natin kailan man mababawi. . . . Kung nauunawaan ng kabataan ang sarili nilang kahinaan, hahanapin nila ang kanilang kalakasan sa Diyos.— The Ministry of Healing, pp. 449, 450. LBD 85.3

    Mayroong siyensya ng Cristianismo na kailangang pagkadalubhasaan— isang mas malalim na siyensya, mas malawak at mas mataas kaysa anumang siyensya ng tao na gaya ng taas ng langit sa lupa. Kailangang disiplinahin, turuan, sanayin ang pag-iisip; dahil dapat tayong maglingkod sa Diyos sa mga paraang hindi sang-ayon sa likas na mga hilig. Kailangang mapanagumpayan ang mga gawaing namana at sinanay sa kasamaan. Madalas na kailangang iwaksi ang edukasyon at pagsasanay sa buong buhay, upang maging magaaral sa paaralan ni Cristo ang isang tao. Dapat maturuan ang ating mga puso na maging tapat sa Diyos. Dapat tayong bumuo ng mga gawi ng pag-iisip na makatutulong sa atin na labanan ang tukso. Kailangan nating tuminging pataas. Ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos,—mga alituntuning kasing taas ng langit, at umaabot sa walang-hanggan,—kailangan nating maunawaan ang mga kaugnayan nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Dapat kasang-ayon ng mga prinsipyong ito ang bawat gawa, bawat salita, at bawat pag-iisip. Dapat madala ang lahat sa pakikipagkaisa at pagpapasakop kay Cristo.— The Ministry of Healing, pp. 453, 454. LBD 85.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents