Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Magtatagumpay Tayo Kung Paanong Nagtagumpay si Cristo, 29 Mayo

    Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa pag-uusig. Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig ko na ang sanlibutan. Juan 16:33.LBD 154.1

    Gumawa si Satanas ng mas malakas na pagsalakay kay Cristo kaysa gagawin niya sa atin. Napakaraming nakataya para sa kanya, kung si Cristo man o siya ang magtatagumpay. Kung nilabanan ni Cristo ang kanyang mga pinakamatinding tukso, at hindi nagtagumpay si Satanas para gumawa Siya ng kasalanan, alam niyang dapat mawala ang kanyang kapangyarihan, at maparusahan sa wakas ng walang-hanggang pagkawasak. Kaya gumawa si Satanas nang may matinding kapangyarihan upang makagawa si Cristo ng maling kilos, sapagkat makalalamang siya sa Kanya kung mangyayari ito. . . . Hindi kayo maaaring matukso sa ganitong kahigpit at malupit na paraan gaya ng sa ating Tagapagligtas. Nasa Kanyang landas si Satanas sa bawat sandali.— The Youth’s Instructor, April 1, 1873. LBD 154.2

    Hahawakan ba ng tao ang banal na kapangyarihan, at lalabanan si Satanas na may determinasyon at tiyaga, kung paanong binigyan siya ni Cristo ng halimbawa sa Kanyang pakikipaglaban sa kaaway sa ilang ng tukso? Hindi kayang iligtas ng Diyos ang tao laban sa kanyang kalooban mula sa kapangyarihan ng mga panlilinlang ni Satanas. Dapat magtrabaho ang tao na kasama ang kanyang pantaong kapangyarihan, na tinutulungan ng banal na kapangyarihan ni Cristo, upang labanan at mapagtagumpayan sa anumang halaga para sa kanyang sarili. Sa madaling salita, dapat magtagumpay ang tao kung paanong nagtagumpay si Cristo. At pagkatapos, sa pamamagitan ng pagtatagumpay na pribilehiyo niyang makamit sa makapangyarihan ng pangalan ni Jesus, maaari siyang maging tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Jesu-Cristo. Hindi magiging ganito kung si Cristo lamang ang gumawa ng lahat ng pakikipagpunyagi. Dapat gawin ng tao ang kanyang bahagi; dapat manalo siya ayon sa kanyang sariling pagkilos, sa pamamagitan ng lakas at biyayang ibinigay sa kanya ni Cristo. Dapat maging isang kamanggagawa ni Cristo ang tao sa gawain ng pakikipaglaban, at pagkatapos ay makikibahagi siya kay Cristo sa Kanyang kaluwalhatian.— Testimonies for the Church, vol. 4, pp. 32, 33. LBD 154.3

    Nagtagumpay ang Tagapagligtas upang ipakita sa tao kung paano siya magtatagumpay. Hinarap ni Cristo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos ang lahat ng mga tukso ni Satanas. Sa pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos, natanggap Niya ang kapangyarihang sundin ang mga utos ng Diyos, at dinagkaroon ng kalamangan ang manunukso.— The Ministry of Healing, p. 181. LBD 154.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents