Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapag Nagkakasala Tayo, Ipinagsusumamo Niya Tayo sa Kalangitan,16 Enero

    Mga munti kong anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, upang kayo’y huwag magkasala. Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama. Si Jesu-Cristo na siyang matuwid. 1 Juan 2:1.LBD 20.1

    Hindi ipinalagay ng Diyos na naganap na ang plano ng kaligtasan habang napaglalaanan lamang ng Kanyang sariling pag-ibig. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpili, naglagay Siya sa dambana ng isang Tagapamagitan na nararamtan ng ating likas. Bilang ating Tagapamagitan, gawain ni Cristo na ipakilala tayo sa Diyos bilang Kanyang mga anak.LBD 20.2

    Ipinangako ni Cristo na maging kapalit at tagapanagot natin ang Kanyang sarili, at wala Siyang kinalilimutan kahit isa. Mayroon tayong hindi mauubos na pondo ng sakdal na pagsunod na nagmumula sa Kanyang pagsunod. Ang Kanyang mga kabutihan, pagtanggi sa sarili, pagsasakripisyo sa kalangitan ay pinahahalagahan bilang insensong inihahandog kasama ng mga panalangin ng Kanyang bayan. Habang umaakyat ang mga tapat at mapagpakumbabang panalangin ng makasalanan sa luklukan ng Diyos, inihahalo ni Cristo ang mga kabutihan ng Kanyang sariling buhay ng sakdal na pagsunod. Pinababango ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng insensong ito. Ipinangako ni Cristo ang Kanyang sarili na mamagitan para sa atin, at laging dumirinig ang Ama sa Kanyang Anak.LBD 20.3

    Ito ang hiwaga ng kadiyusan. Na tatanggap si Cristo ng likas ng katauhan, at itataas ang tao sa antas ng kabutihang moral na kasama ng Diyos sa pamamagitan ng buhay ng pagkadusta; na Kanyang dadalhin ang likas na Kanyang tinanggap sa luklukan ng Diyos, at ipapakilala roon ang Kanyang mga anak sa Ama, na naibigay sa kanila ang karangalang higit pa kaysa doon sa naibigay sa mga anghel—ito ang hiwaga ng makalangit na sansinukob, ang hiwagang nais mamasdan ng mga anghel. Ito ang pag-ibig na tumutunaw sa puso ng makasalanan.— Ellen G. White Manuscript 21, 1900. LBD 20.4

    Siyang hindi makakayang tingnan ang mga tao na lantad sa kapahamakan na hindi naibubuhos ang Kanyang kaluluwa hanggang kamatayan upang mailigtas sila walang-hanggang kapahamakan, ay titinging may kahabagan at pagmamahal sa bawat kaluluwang kumikilalang hindi niya maililigtas ang kanyang sarili.— The General Conference Bulletin, October 1, 1899. LBD 20.5

    Tagapamagitan natin si Cristo. Sa makapangyarihan at mapagmahal na pagkilala sa pag-ibig ng Diyos, kunin ang kamay ni Cristo, at hawakan itong mabuti. Mas mahigpit ang paghawak Niya sa inyong kamay kasya paghawak ninyo sa Kanyang kamay.— Letter 182, 1901. LBD 20.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents