Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Di-mabilang na mga Anghel ang Handang Tumulong sa Atin,29 Enero

    Nakita ko at narinig ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng trono . . . at ang bilang nila ay milyun-milyon at libulibo. Apocalipsis 5:11.LBD 33.1

    Noong umakyat sa Ama si Cristo, hindi Niya iniwan na walang tulong ang Kanyang mga tagasunod. Ang Banal na Espiritu, bilang Kanyang kinatawan, at ang mga banal na anghel, bilang mga espiritung tumutulong, ay isinugo upang sumaklolo sa kanila na nakikipaglaban ng mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya laban sa malaking kalamangan. Palagi ninyong alalahaning tagapagbigay ninyo ng tulong si Jesus. Walang nakauunawa nang higit pa sa Kanya sa pagiging kakaiba ng inyong karakter. Nagmamatyag Siya sa inyo, at kung handa kayong magpagabay sa Kanya, ibubuhos Niya sa paligid ninyo ang mga impluwensya para sa kabutihan na magbibigay sa inyo ng kapangyarihan upang gawin ang Kanyang buong kalooban para sa inyo.— Messages to Young People, p. 17. LBD 33.2

    Walang bagay na tila napakahina, ngunit hindi matitinag sa katotohanan, kaysa kaluluwang nakadarama ng kawalan nito at nagtitiwala nang buongbuo sa kabutihan ng Tagapagligtas. Ipapadala ng Diyos ang bawat anghel sa langit upang tulungan ang gaya niya, kaysa pabayaan siyang magapi.— Testimonies for the Church, vol. 7, p. 17. LBD 33.3

    Mga lingkod ng Diyos ang mga anghel na nagniningning sa kaliwanagan na nagmumula sa Kanyang presensya, at lumilipad sa mga pakpak na mabiblis upang gawin ang Kanyang kalooban.— Patriarchs and Prophets, p. 34.LBD 33.4

    Palaging naroroon ang mga anghel kung saan sila pinakakailangan, sa mga mayroong pinakamahirap na mga pakikipagtunggali sa sarili, at mga may pinakanakapanghihinang kapaligiran.— The Desire of Ages, p. 440. LBD 33.5

    Sa lahat ng kapanahunan, naging malapit ang mga anghel sa mga tapat na tagasunod ni Cristo. Nakatanghal ang malawak na malawak na hukbo ng kasamaan laban sa lahat ng magnanasang managumpay; ngunit gusto ni Cristo na tumingin tayo sa mga bagay na hindi nakikita, sa mga hukbo ng kalangitan na nakapalibot sa lahat ng umiibig sa Diyos, upang iligtas sila. Hindi natin malalaman kung anong mga panganib, na nakikita at hindi nakikita nailigtas na nila tayo, hanggang sa makita natin ang mga kabutihan ng Diyos sa liwanag ng walang-hanggan. Mauunawaan natin kung magkagayon na nagmamalasakit ang buong sambahayan ng kalangitan sa sambahayan dito sa lupa, at nagbabantay ang mga sugo mula sa luklukan ng Diyos sa ating mga hakbang sa araw-araw.— The Desire of Ages, p. 240. LBD 33.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents