Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Binago Tayo Mula sa Biyaya Tungo sa Biyaya, 27 Abril

    At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu. 2 Corinto 3:18.LBD 122.1

    Kapag naliwananagan ng Espiritu ng Diyos, napagmamasdan ng mananampalataya ang kasakdalan ni Jesus, at sa pagmamasid sa kasakdalang ito, nagdiriwang siya nang hindi mailarawang kagalakan. Sa kanyang sarili nakikita niya ang kasalanan at kawalan ng kakayahan; sa Manunubos ang walang kasalanan at walang-hanggang kapangyarihan. Ang sakripisyong ginawa ni Cristo upang maibahagi Niya sa atin ang Kanyang katuwiran—ito ang isang temang maaari nating pag-isipang may mas malalim at higit na mas malalim pang kasigasigan. Bale-wala ang sarili; Si Jesus ang lahat ng bagay. . . .LBD 122.2

    Ang nakapagbabagong kapangyarihan ng biyaya ay maaaring gawin akong kabahagi ng banal na likas. Kay Cristo nagliwanag ang kaluwalhatian ng Diyos, at sa pagtingin kay Cristo, sa pagbubulay-bulay sa Kanyang pagsasakripisyo ng sarili, na naaalalang sa Kanya nananahan ang lahat ng kapuspusan ng Kabuuan ng pagka-Diyos, hinihila ang mananampalataya palapit nang palapit sa Pinagmumulan ng kapangyarihan. . . .LBD 122.3

    Gaano kahalagang mayroon tayo ng liwanag ng Espiritu ng Diyos; sapagkat sa pamamagitan lamang nito natin makikita ang kaluwalhatian ni Cristo, at sa pamamagitan ng pagtingin ay nabago tayo mula sa karakter tungo sa karakter sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. . . . May biyaya at pagpapatawad Siya sa bawat kaluluwa. Kung paanong sa pamamagitan ng pananampalataya ay tumitingin tayo kay Jesus, ang ating pananampalataya ay tumatagos sa anino, at sinasamba natin ang Diyos dahil sa Kanyang kagila-gilalas na pag-ibig sa pagbibigay sa atin kay Jesus ang Mang-aaliw. . . .LBD 122.4

    Ang makasalanan ay maaaring maging anak ng Diyos, isang tagapagmana ng langit. Maaari siyang bumangon mula sa alabok, at tumayong nabibihisan ng mga damit ng liwanag. . . . Sa bawat hakbang ng pagsulong, nakakikita siya ng mga bagong kagandahan kay Cristo, at mas nagiging katulad Niya sa karakter.— Ellen G. White Manuscript 20, 1892. LBD 122.5

    Ang pagmamahal na ipinakita sa kanya sa kamatayan ni Cristo, ay gumigising ng isang tugong may pagpapasalamat na pag-ibig, at bilang sagot sa taimtim na panalangin, ang mananampalataya ay dinala mula sa biyaya tungo sa biyaya, mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, hanggang sa pagtingin kay Cristo, siya ay nabago sa ganito ring larawan.— The Youth’s Instructor, December 6, 1894. LBD 122.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents