Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pumapasok Tayo sa Kapahingahan ni Cristo, 10 Marso

    Kaya’t may natitira pang isang pamamahingang Sabbath para sa bayan ng Diyos. Hebreo 4:9.LBD 74.1

    Kung nakahanda kayong matuto sa kaamuaan at pagpapakumbaba ng puso sa paaralan ni Cristo, tiyak na bibigyan kayo Niya ng kapahingahan at kapayapaan. Napakahirap na makipagpunyaging isuko ang sarili mong kalooban at ang sarili mong daan. Ngunit kapag natutuhan mo ang turong ito, makahahanap ka ng kapahingahan at kapayapaan. Kailangang mapanagumpayan ang pagmamataas, pagkamakasarili, at ambisyon; kailangang maipaloob ang kalooban ninyo sa kalooban ni Cristo. Maaaring maging patuloy na pagsasakripisyo ng pag-ibig ang buong buhay. Kung paanong umiikot ang buhay ng puno ng ubas sa tangkay at sa mga bunga, bumababa sa mga mabababang hibla, at umaabot sa pinakamataas na dahon, gayundin mag-aalab at mananagana sa kaluluwa ang biyaya ni Cristo, na ipinadadala ang mga kabutihan nito sa bawat bahagi ng nilalang, at lumalagom sa bawat pagkilos ng katawan at isipan.— Letter 14, 1887.LBD 74.2

    Sa pagiging kamanggagawa ni Cristo sa dakilang gawaing pinagbigyan Niya ng Kanyang buhay, makahahanap tayo ng tunay na kapahingahan. Noong mga makasalanan pa tayo, ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa atin. Niananais Niyang lumapit tayo sa Kanya at matuto sa Kanya. Sa ganitong paraan makahahanap tayo ng kapahingahan. Sinasabi Niyang bibigyan Niya tayo ng kapahingahan. “Matuto kayo sa Akin; sapagkat Ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso.” Sa paggawa nito makahahanap kayo sa sarili ninyong karanasan ng kapahingahan na ibinibigay ni Cristo, ang kapahingahang nagmumula sa pagsuot ng Kanyang pamatok at pagdala sa Kanyang mga pasan.— The General Conference Bulletin, April 4, 1901. LBD 74.3

    Kapaguran at kabigatan ang anyo ng kabutihang walang kapangyarihan; ngunit kapag nadala ang buong puso sa paglilingkod kay Cristo, mayroong kapahingahan para sa kaluluwa; dahil pinagtatagumpay ng Diyos ang mga ito sa araw-araw sa mga kapangyarihan ng kadiliman. Tinutulungan ng Diyos siyang nagtatalaga ng kanyang kaluluwa sa Panginoon bilang tapat na Manlalalang.— The Youth’s Instructor, June 22, 1893. LBD 74.4

    Ang matutuhan ang mga turong itinuturo ni Cristo ang pinakadakilang kayamanang matatagpuan ng mga mag-aaral. Dumarating sa kanila ang kapahingahan sa pag-iisip na nagsisikap silang magbigay kaluguran sa Panginoon.— Letter 144, 1901. LBD 74.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents