Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Binulag si Pablo Upang Makita Niya si Cristo, 30 Marso

    Kaya’t umalis si Ananias at pumasok sa bahay. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay kay Saulo at sinabi niya, Kapatid na Saulo, isinugo ako ng Panginoong Jesus na nagpakita sa iyo sa daan sa iyong pagpunta rito upang muli mong tanggapin ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu. Gawa 9:17.LBD 94.1

    Sa mga paaralang militar ng Ehipto, naturuan si Moises ng batas ng puwersa, at napakalakas ng naging kapit ng turong ito sa kanyang karakter na anupa’t nangailangan ng 40 taon . . . upang maihanda siya sa pangunguna sa Israel sa pamamagitan ng batas ng pag-ibig. Ganito ring turo ang kinailangang matutuhan ni Pablo.LBD 94.2

    Sa pintuan ng Damasco, binago ng pangitain ng Napako sa krus ang buong agos ng kanyang buhay. Naging alagad ang mang-uusig, naging mag-aaral ang guro. Ang mga araw ng kadilimang ginugol sa pag-iisa sa Damasco ay naging tulad ng mga taon sa kanyang karanasan. Kanyang pinag-aaralan ang Lumang Tipan na nakatago sa kanyang alaala, at si Cristo ang kanyang guro. Sa kanya, naging paaralan din ang pag-iisa sa kalikasan. Nagtungo siya sa ilang ng Arabia upang doon mag-aral ng mga Kasulatan at matuto sa Diyos. Inalis niya sa kanyang kaluluwa ang mga maling palagay at tradisyong humugis ng kanyang buhay, at tumanggap ng turo mula sa Pinagmumulan ng katotohanan.LBD 94.3

    Pinangungunahan ang huling bahagi ng kanyang buhay ng iisang prinsipyo ng pagsasakripisyo ng sarili, ang paglilingkod ng pag-ibig. “Ako’y may pananagutan,” sinabi niya, “sa mga Griyego at sa mga barbaro, sa marurunong at gayundin sa mga mangmang.” . . .LBD 94.4

    Habang nagtataglay siya ng matataas na kapangyarihang intelektuwal, nagpahayag ang buhay ni Pablo ng kapangyarihan ng isang mas madalang na karunungan. Ang mga pinakamalalim na prinsipyo, mga prinsipyong patungkol sa mga hindi nalalaman ng mga pinakamatatalinong tao sa panahong iyon, ay nailadlad sa kanyang mga turo at nakita sa kanyang buhay. Nagtaglay siya ng pinakadakila sa lahat ng karunungan, na nagbibigay ng bilis sa pagkaunawa at simpatya sa puso, na nagdadala sa pagkakaugnay sa mga tao, nagbibigay sa kanya ng kapangyarihang pakilusin ang kanilang mabuting pag-uugali at pangunahan sila sa mas mataas na kabuhayan. . . .LBD 94.5

    “Bagaman nilalait,” sinabi niya, “kami ay nagpapala, bagaman inuusig ay nagtitiis kami, bagaman sinisiraang-puri, kami ay nakikiusap”; “tulad sa nalulungkot, gayunma’y laging nagagalak; tulad sa mga dukha, gayunma’y pinayayaman ang marami, gaya ng walang pag-aari, gayunma’y mayroon ng lahat ng bagay.”— Education, pp. 65-68. LBD 94.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents