Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Kabiguan si Moab Dahil Tumanggi Siyang Magbago,31 Marso

    Ang Moab ay tiwasay mula sa kanyang kabataan, at nagpahinga sa kanyang mga latak, hindi pa siya isinasalin mula sa isang sisidlan patungo sa isa pa, ni dinala man siya sa pagkabihag; kaya’t narito, ang kanyang lasa ay nananatili sa kanya, at ang kanyang bango ay hindi pa nababago. Jeremias 48:11.LBD 95.1

    Maaaring tumangging makinig sa mga payo at paalala ng Diyos ang isang tao. Maaari niyang piliing kunin sa sarili niyang mga kamay ang pangunguna sa kanyang pagkilos. . . . Gaya ni Moab, tumanggi siyang magbago. . . . Tumanggi siyang iwasto ang kanyang mahihinang pag-uugali, bagaman malinaw na itinuro ng Diyos ang kanyang gawain, ang kanyang mga pribilehiyo at pagkakataon, at ang pagsulong na maaring magawa. Masyadong mahirap sirain ang kanyang mga dating gawi, at baguhin ang kanyang mga kaisipan at mga pamamaraan. “Nananatili sa kanya ang kanyang panlasa.” Nangungunyapit siya sa kanyang mga kahinaan.— Letter 10, 1897. LBD 95.2

    Marami ang hindi nasisiyahan sa gawaing ibinigay sa kanila ng Diyos, hindi sila nasisiyahang maglingkod sa Kanya ng kaaya-aya sa lugar na Kanyang itinalaga para sa kanila, o gumawang walang pag-angal ng gawaing ibinigay Niya sa kanilang mga kamay. Tama lamang na hindi tayo masiyahan sa pamamaraan ng ating pagganap sa tungkulin, subalit hindi tayo dapat mawalan ng kasiyahan sa mismong tungkulin, dahil . . . sa Kanyang kalinga ay inilalagay ng Diyos sa harap ng mga tao ang paglilingkod na magiging kagamutan para sa kanilang may sakit na mga pag-iisip. . . . Inilalagay Niya ang ilan sa mga lugar kung saan hindi magiging bitag para sa kanila ang maalwang disiplina at labis na pagbibigay hilig, kung saan naturuan silang pahalagahan ang oras, at gawin ang pinakamabuti at pinakamatalinong paggamit nito.LBD 95.3

    May ibang nagnananais na maging kapangyarihang nangunguna, at nangangailangan ng kabanalan ng pagpapasakop. . . . Iniaangkop sila para pumuno sa mga lugar kung saan magiging pinakadakilang paglilingkod nila ang kanilang kakayahan sa disiplina. Sinasanay ng Diyos ang ilan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kabiguan at malinaw na pagkalagpak. Layunin Niyang matutuhan nilang pagkadalubhasaan ang pagharap sa kahirapan. . . .LBD 95.4

    Marami ang walang alam kung paano gumawa para sa Diyos, hindi dahil kinailangan nilang maging mangmang, kundi dahil hindi sila nakahandang magpasakop sa proseso ng Kanyang pagsasanay. Kinilala bilang isang kabiguan si Moab dahil, isinasaad ng Salita na siya ay “tiwasay mula sa kanyang kabataan.”— Manuscript 79, 1903. LBD 95.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents