Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Itinuturo Niya sa Atin na Madaling Dalhin ang Kanyang Pamatok at Magaan ang Kanyang Pasan,3 Marso

    Sapagkat madaling dalhin ang Aking pamatok at magaan ang Aking pasan. Mateo 11:30.LBD 67.1

    Dapat nating pasanin ang pamatok ni Cristo upang malagay tayo sa ganap na pakikiisa sa Kanya. “Pasanin ninyo ang Aking pamatok.” Sinasabi Niya . . . . Nagtatali ang pagsuot sa pamatok sa tao sa pakikisama sa minamahal na mabuting Anak ng Diyos. Naghihiwalay ng sarili sa kaluluwa ang pagbuhat sa krus, at inilalagay ang tao kung saan natututuhan niyang dalhin ang ang mga pasan ni Cristo. Hindi tayo makasusunod kay Cristo na di isinusuot ang Kanyang pamatok, na di binubuhat ang krus at pinapasan ito kasunod Niya. Kung hindi kasang-ayon ang ating kalooban sa mga banal na pangangailangan, dapat nating tanggihan ang sarili nating mga hilig, isuko ang ating mga minamahal na mga pagnanasa, at humakbang sa mga yapak ni Cristo. . . .LBD 67.2

    Naglalagay ang mga tao sa mga leeg nila ng mga pamatok na tila magaan at maalwan suutin, ngunit humahantong ang mga ito sa kapaitan. Nakikita ito ni Cristo, at sinasabi Niyang, “Pasanin ninyo ang Aking pamatok.” Ang pamatok na inilalagay ninyo sa inyong mga leeg, na iniisip ninyong magkakasya ay hindi magkakasya. “Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at matuto kayo sa Akin” ng mga turong kailangan ninyong matutuhan; “sapagkat Ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso, at makatatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Madaling dalhin ang Aking pamatok at magaan ang Aking pasan.” Hindi gumagawa ng maling palagay ang Panginoon tungkol sa Kanyang pamana. Sinusukat Niya ang mga taong kasama Niyang gumagawa. Kapag nagpasakop sila sa Kanyang pamatok, kapag isinuko nila ang pakikipagpunyagi na hindi nakabubuti sa kanilang sarili at sa layunin ng Diyos, makahahanap sila ng kapayapaan at kapahingahan. Kapag nadama nila ang sarili nilang kahinaan, ang sarili nilang mga pagkukulang, magagalak silang gawin ang kalooban ng Diyos. Magpapasakop sila sa pamatok ni Cristo. Kung magkagayon makagagawa ang Diyos ng gawain sa kanila upang loobin at gawin ang nakalulugod sa Kanya, na salungat madalas sa mga panukala ng isip ng tao. Kapag dumating sa atin ang makalangit na basbas, matututuhan natin ang mga turo ng kaamuaan at pagpapakumbaba, na laging nagdadala ng kapahingahan sa kaluluwa.— The Review and Herald, October 23, 1900. LBD 67.3

    Bagaman magkakaroon kayo ng mga pagsubok, ngunit ang mga pagsubok na ito, kung madadala nang mabuti, ay magpapaging mas mahalaga lamang sa karanasan.— Testimonies for the Church, vol. 1, p. 161. LBD 67.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents