Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mas Malakas at Mas Makapangyarihan Siya Kaysa Ating Kaaway,19 Enero

    Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon, malakas at makapangyarihan, ang Panginoon, makapangyarihan sa pakikipaglaban. Awit 24:8.LBD 23.1

    Naging malakas si Cristo upang iligtas ang buong sanlibutan. Nais Niyang iligtas ang lahat. Hindi Niya matitiis na isiping may isang mawawaglit. Lumuha Siya sa puntod ni Lazaro, dahil hindi Niya maililigtas ang lahat ng ibinagsak sa kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili bilang pantubos sa marami, maging sa lahat na tatanggap sa pribilehiyong ibalik ang kanilang katapatan sa Diyos. . . . Noong buhayin Niya si Lazaro mula sa kamatayan, alam Niyang kailangan Niyang magbayad ng pantubos sa krus ng Kalbaryo para sa buhay na iyon. Magdudulot ang bawat pagliligtas sa Kanya ng pinakamalalim na pagkadusta. Lalasap Siya ng kamatayan para sa bawat tao.LBD 23.2

    Sa Kanyang buhay sa lupa, bumuo si Cristo ng sakdal na karakter, nagbigay Siya ng ganap na pagsunod sa mga utos ng Kanyang Ama. Sa pagdating sa sanlibutan sa kalagayan ng katauhan, sa pagpapailalim sa kautusan, sa paghahayag sa mga tao na dinala Niya ang kanilang karamdaman, kalumbayan, kasalanan, hindi Siya naging makasalanan. Nasasabi Niya sa harap ng mga Fariseo na, “Sino sa inyo ang makasusumbat sa Akin tungkol sa kasalanan?” Wala ni isang bahid ng kasalanan ang matatagpuan sa Kanya. Tumayo Siya sa harap ng sanlibutan bilang walang dungis na Kordero ng Diyos.LBD 23.3

    Mula sa kaliwanagan ng Kanyang napakataas na kadalisayan, makikita ng Manunubos ng sanlibutan na dinala sa kanila ng paglabag sa kautusan ng Diyos ang mga karamdaman na pinagdurusahan ng sangkatauhan. Mababalikan Niya ang bawat kalagayan ng kahirapan sa pinagmulan nito. Nababasa Niya sa bawat kalagayan ang malungkot at napakasamang kawakasan ng mga makasalanang hindi nagsisisi. Alam Niyang tanging Siya lamang ang makapagliligtas sa kanila mula sa hukay na kanilang pinagkahulugan. Siya lamang ang makapaglalagay ng kanilang mga paa sa tamang landas; tanging ang Kanyang kasakdalan ang sasapat sa kanilang kawalang kasakdalan. Siya lamang ang makatatakip sa kanilang kahubaran ng Kanyang walang bahid na kasuotan ng katuwiran. . . . Makapangyarihan Siya upang magligtas. Naibigay sa Kanya ang tulong na makapangyarihan. Pinalilibutan Niya ang sangkatauhan ng Kanyang mahabang makataong bisig, habang nanghahawak ang Kanyang maka-Diyos na bisig sa Makapangyarihan sa lahat.— The Youth’s Instructor, December 29, 1898. LBD 23.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents