Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagpapakumbaba, 15 Marso

    Ngunit siya’y nagbibigay ng higit pang biyaya. Kaya’t sinasabi, ‘Ang Diyos ay sumasalungat sa mga mapagmataas, subalit nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Santiago 4:6.LBD 79.1

    Ligtas lamang kayo habang iniuugnay ninyo ang inyong mga sarili kay Cristo sa sakdal na pagpapasakop at pagsunod. Magaan ang pamatok, dahil si Cristo ang bumubuhat sa bigat. Habang binubuhat ninyo ang pasan ng krus, magiging magaan ito; at magiging pangako ng buhay na walang-hanggan sa inyo ang krus. Karapatan ng bawat isa na malugod na sumunod kay Cristo, na binibigkas sa bawat hakbang, “Pinadakila ako ng Iyong kaamuan.” Ngunit kung maglalakbay tayo tungo sa langit, kailangan nating tanggapin ang Salita ng Diyos bilang aklat-aralin natin. Kailangan nating basahin ang mga aralin natin sa bawat araw sa mga kinasihang salita. . . .LBD 79.2

    Hindi mauunawaan ng isip ng tao ang pagpapakumbaba ng taong si Cristo Jesus; ngunit ang Kanyang pagka-Diyos at ang Kanyang pagkabuhay bago pa man nilalang ang sanlibutan ay hindi pag-aalinlanganan ng mga naniniwala sa Salita ng Diyos. Nangusap si apostol Pablo tungkol sa ating Tagapamagitan, ang bugtong na Anak ng Diyos, na nasa anyo ng Diyos sa kalagayan ng kaluwalhatian, ang Tagapanguna ng buong hukbo ng kalangitan, at tinanggap ang kalagayan ng isang alipin noong nararamtan ang Kanyang kadiyusan ng pagkatao. . . .LBD 79.3

    Sa pagsang-ayong maging tao, ipinakita ni Cristo ang pagpapakumbaba na hiwaga ng mga nilalang sa langit. Ang pagkilos ng pagsang-ayon na maging tao ay hindi magiging kahihiyan kung hindi mataas na nabubuhay si Cristo bago ang lahat ng mga bagay. Kailangan nating buksan ang ating pag-unawa upang makilalang isinantabi ni Cristo ang Kanyang marangal na kasuotan, ang Kanyang makaharing korona, ang Kanyang mataas na kapangyarihan, at dinamtan ang Kanyang pagka-Diyos ng pagkatao, upang Kanyang salubungin ang tao kung saan siya naroon, at dalhin sa sambahayan ng katauhan ang isang kapangyarihang moral upang maging mga anak na lalaki at babae ng Diyos. Upang tubusin ang tao, naging masunurin si Cristo hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan ng krus.— The Youth’s Instructor, October 13, 1898. LBD 79.4

    Ang kaamuaan at pagpapakumbabang natagpuan sa buhay ni Cristo ay mahahayag sa buhay at karakter nila na “lumalakad gaya ng Kanyang paglakad.”— The Youth’s Instructor, November 8, 1894. LBD 79.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents