Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Magiging Katuwiran Natin Ito, 29 Pebrero

    At magiging katuwiran sa atin kapag maingat nating isinagawa ang lahat ng mga utos na ito sa harapan ng Panginoon nating Diyos, gaya ng iniutos sa atin. Deuteronomio 6:25.LBD 64.1

    Matatagpuan ang kaligayahan ng tao sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Sa pagsunod sa utos ng Diyos, napalilibutan siyang gaya nang may bakod at naiingatan mula sa kasamaan.— The Signs of the Times, August 29, 1911. LBD 64.2

    Maririnig sa bawat panig ang tinig ng manunukso, na nagsasabi sa inyong hindi ninyo na kinakailangang ingatan ang kautusan ng Diyos ngayon. Pakana ito ni Satanas. May batas ang Diyos, at kailangan itong ingatan ng mga tao.LBD 64.3

    Kung babale-walain nila ito, hindi sila magkakaroon ng kadalisayan ng karakter . . . na kinakailangan upang maging mga kaanib ng marangal na sambahayan . . . dahil ang Diyos ang sumulat ng sampung utos na ito sa mga tapyas ng bato at nag-ingat sa kanila sa kaban ng tipan ng Diyos. Ang takip ng kabang ito . . . ay tinawag na luklukan ng awa, upang ipakitang bagaman kamatayan ang kabayaran ng paglabag sa utos, dumating ang habag sa pamamagitan ni Jesu-Cristo upang patawarin ang nagsisisi at nananampalatayang makasalanan.LBD 64.4

    Ang tanging pag-asa ninuman ay na kay Jesu-Cristo na nagdala ng kasuotan ng Kanyang katuwiran upang isuot sa makasalanang maghuhubad ng kanyang maruruming mga damit. . . . Hindi inihanda ang dalisay at banal na kasuotan upang maisuot ninuman pagkatapos niyang makapasok sa pintuan ng lunsod. May kasuotan ng katuwiran ni Cristo ang lahat ng papasok dito. . . . Walang mangyayaring pagtatakip ng mga kasalanan at kahinaan upang maitago ang pagkasira ng karakter, walang mga kasuotan ang mahuhugasan nang kalahati lamang; kundi magiging dalisay at walang dungis ang lahat.— The Youth’s Instructor, August 18, 1886. LBD 64.5

    Kapag dinadala natin ang ating mga buhay sa ganap na pagsunod sa batas ng Diyos, na kinikilala ang Diyos bilang ating pinakamataas na Gabay, na kumakapit kay Cristo bilang ating katuwiran, gagawa para sa atin ang Diyos. Ito ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. . . . Ang mga utos ng Diyos na matapat na pinag-aaralan at isinasakabuhayan, ay nagbubukas sa atin ng pakikipagtalastasan sa langit at siyang tumitiyak para sa atin kung ano ang katotohanan mula sa kabulaanan. Ang pagsunod na ito ang gumagawa para sa atin ng kalooban ng Diyos, na dinadala ang ating mga buhay sa katuwiran at kasakdalan na nakita sa buhay ni Cristo.— S.D.A. Bible Comentary, vol.1, p. 1118. LBD 64.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents