Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Na Dinalisay Tayo Kung Paanong Dalisay si Cristo, 4 Enero

    At sinumang may ganitong pag-asa sa Kanya ay naglilinis sa kanyang sarili, gaya naman Niyang malinis. 1 Juan 3:3.LBD 8.1

    Pababanalin at pipinuhin ni Cristo ang pag-iisip ng tao, na dinadalisay ito mula sa lahat ng karumihan, upang matutuhan niyang pahalagahan ang walang kapantay na pag-ibig.—The General Conference Bulletin, October 1, 1899.LBD 8.2

    Sa pamamagitan ng pagsisisi, pananampalataya, at mabubuting gawa, maaari niyang mabuo ang matuwid na karakter at angkinin, sa pamamagitan ng mga kabutihan ni Cristo, ang mga pribilehiyo ng mga anak ng Diyos. Dadalhin tayo ng ng mga prinsipyo ng banal na katotohanan, na tinanggap at tinaglay sa puso, sa antas ng kagalingang moral na inaakala nating hindi natin maaabot. . . “At sinumang may ganitong pag-asa sa Kanya ay naglilinis sa kanyang sarili, gaya naman Niyang malinis.”— Testimonies For The Church, vol. 4, p. 294. LBD 8.3

    Ang kabanalan ng puso at kadalisayan ng buhay ang mga dakilang paksa ng mga turo ni Cristo. Sa Kanyang pangangaral sa bundok, pagkatapos tiyakin kung ano ang dapat gawin upang pagpalain, at kung ano ang hindi dapat gawin, sinasabi Niya, “Kaya kayo nga’y maging sakdal, gaya ng inyong Ama sa langit na sakdal.” Kasakdalan, kabanalan—walang bababa pa rito ang makapagbibigay sa kanila ng tagumpay sa pagsasagawa ng mga prinsipyong ibinigay Niya sa kanila. Kung walang kabanalan, ang puso ng tao ay makasarili, makasalanan, at marahas. Aakayin ng kabanalan ang nagtataglay nito sa pagiging mabunga at sa kasaganahan ng lahat ng mabubuting gawa. Hindi siya mapapagod sa paggawa ng mabuti; ni maghahanap man ng pag-angat sa sanlibutang ito; kundi masasabik siyang iangat ng Kataasan ng kalangitan kapag Kanya nang ibinunyi ang Kanyang mga itinalaga at banal sa Kanyang luklukan. . . . Magbubunga ang kabanalan ng puso ng matutuwid na kilos.—The Review and Herald, September 7, 1886.LBD 8.4

    Kung paanong dalisay ang Diyos sa Kanyang kalagayan, gayundin dapat maging dalisay ang tao sa kanyang kalagayan. At magiging dalisay siya kung si Cristo ay nabuo sa kanyang kalooban, na Siyang pag-asa sa kaluwalhatian; dahil tutularan niya ang buhay ni Cristo at ipapahayag ang Kanyang karakter.— Gospel Workers, p. 366. LBD 8.5

    Magliliwanag ang maharlikang karangalan ng karakter na Cristiano tulad ng araw, at maaaninag ang mga sinag ng kaliwanagan mula sa mukha ni Cristo sa kanilang nagpadalisay ng kanilang mga sarili na gaya rin naman Niyang dalisay.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 357. LBD 8.6

    Ang kadalisayan ng puso ay magdudulot ng kadalisayan ng buhay.— The Signs of the Times, April 21, 1881. LBD 8.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents