Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Kaloob ng Espiritu Santo

    Ang mga talentong ipinagkakatiwala ni Kristo sa Kanyang iglesya ay kumakatawan tanging-tangi na sa mga kaloob at mga pagpapalang ibinibigay ng Banal na Espiritu. “Sa isa sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu; sa iba'y ang pananampalataya sa gayunding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling sa iisang Espiritu; at sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang mga wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika: datapwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayunding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa Kanyang ibig.”11 Cor. 12:8 11 Lahat ng mga tao ay hindi tumatanggap ng magkakapareho o iisang mga kaloob, gavunman sa bawa't alipin ng Panginoon ay ipinangangako ang ilang kaloob ng Espiritu.MP 342.2

    Bago iniwan ni Kristo ang Kanyang mga alagad, ay “sila'y hiningahan Niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.” Muling sinabi Niya, “Narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako ng Aking Ama.”2Juan 20:22; Lu. 24:49. Ngu- ni't noon lamang makaakyat na si Jesus sa langit saka nila tinanggap ang kaloob sa kapuspusan nito. Noon lamang ipasakop na nang lubusan ng mga alagad ang kanilang mga sarili para sa Kanyang paggawa, sa pamamagitan ng pananampalataya at pananalangin, saka tinanggap ang pagbubuhos ng Espiritu. Noon sa isang tanging diwa ipinagkatiwala sa mga tagasunod ni Kristo ang mga pag-aari ng langit. “Nang umakyat Siya sa itaas, ay dinala Niyang bihag ang pagkabihag, at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.” “Ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Kristo,” “na binabahagi” ng Espiritu “sa bawa't isa ayon sa Kanyang ibig.”1Ef. 4:8, 7; 1 Cor. 12:11. Ang mga kaloob ay atin na kay Kristo, subali't ang aktuwal na pag-angkin sa mga ito ay nakabatay sa ating pagtanggap sa Espiritu ng Diyos.MP 342.3

    Ang pangako tungkol sa Espiritu ay hindi pinahahalagahan na gaya ng dapat sanang mangyari. Ang katuparan nito ay hindi nagiging katotohanan na gaya ng maaari sanang mangyari. Ang kawalan ng Espiritu ang nagiging dahilan kung kaya ang ministeryo ng ebanghelyo ay lubhang walang-kapangyarihan. Ang pagkatuto, ang mga talento, katatasan sa pagsasalita, bawa't katutubo o natamong kaloob, ay maaaring maangkin; subali't kung wala ang pakikisama ng Espiritu ng Diyos, ay walang pusong maaantig, at walang makasalanang mahihikayat kay Kristo. Sa kabilang dako naman, kung sila'y nakaugnay kay Kristo, kung nasa kanila ang mga kaloob ng Espiritu, ang pinakadukha at pinakamangmang sa Kanyang mga alagad ay magkakaroon ng kapangyarihang magkikintal sa mga puso. Ginagawa sila ng Diyos na daluyan para sa paggawa ng pinakamataas na impluwensiya sa sansinukob.MP 343.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents