Kabanata 73—Mga Huling Taon ni David
Ang pagkabagsak ay hindi kaagad naghatid ng kapayapaan sa kaharian. Malaking bahagi ng bayan ang nakiisa sa panghihimagsik kung kaya't si David ay hindi bumalik sa kanyang kapitolyo upang gampanan muli ang kanyang panunungkulan na walang paanyaya mula sa lipi. Sa pagkalito na sumunod sa pagkatalo kay Absalom walang isang madalian at may kapasyahang pagkilos upang maibalik ang hari, at nang sa huli ay nagpasya ang Juda na pabalikin si David, ang paninibugho ng ibang mga lipi ay napukaw, at isang ganting panghihimagsik ang sumunod. Ito, gano'n pa man ay madaling naipatigil, at ang kapayapaan ay nanumbalik sa Israel.MPMP 889.1
Ang kasaysayan ni David ay nagbibigay ng isa sa pinaka makapukaw damdamin na patotoo na kailan man ay naibigay tungkol sa mga panganib na nagbabanta sa kaluluwa mula sa kapangyarihan at kayamanan at makamundong karangalan—yaong mga bagay na pinakananasa ng mga tao. Kakaunti lamang ang kailanman dumaan sa isang karanasan na higit na angkop upang ihanda sila na mapanagumpayan ang gano'ng pagsubok Ang unang bahagi ng buhay ni David bilang isang pastor, at ang mga liksyon noon ng pagpapakumbaba, masikap na paggawa, at ng may pagmamahal na pangangalaga sa kanyang mga kawan; ang pakikipag-ugnayan sa kali- kasan sa katahimikan ng mga burol, pagpapalago sa kanyang karu- nungan sa musika at panulaan, at pag-uugnay ng kanyang mga pag- iisip sa Manlalalang; ang mahabang disiplina ng kanyang buhay sa ilang, na nanawagan sa paggamit ng lakas ng loob, katatagan pag- kamatiisin, at pananampalataya sa Dios, ay itinalaga ng Panginoon bilang paghahanda para sa trono ng Israel. Si David ay nagalak sa mahahalagang karanasan sa pag-ibig ng Dios, at mayamang pinag- kalooban ng kanyang Espiritu; sa kasaysayan ni Saul nakita niya ang lubos na kawalaan ng halaga ng pawang kaalaman ng tao. Gano'n pa man ang pagkatao ni David ay lubhang pinahina ng makamundong pagtatagumpay at karangalan kung kaya't siya ay paulit-ulit na nadaig ng kaaway.MPMP 889.2
Ang pakikisalamuha sa mga paganong mga bansa ay naghatid sa isang pagnanasang sundin ang kaugalian ng kanilang bansa at pumukaw sa ambisyon sa makamundong katanyagan. Bilang bayan ni Jehova, ang Israel ay pararangalan; subalit sa paglago ng pag- mamataas at pagtitiwala sa sarili, ang mga Israelita ay hindi nasiya- han sa mga kahigitang ito. Sa halip ay pinahalagahan nila ang matu- lad sa ibang mga bansa. Ang espiritung ito ay hindi nabibigo sa pag- anyaya ng tukso. Sa layuning mapaabot ang kanyang panlulupig sa ibang mga bansa, ipinasya ni David na paramihin ang bilang ng kanyang mga hukbo sa pamamagitan ng pag-uutos ng paglilingkod militar mula sa lahat ng nasa angkop na gulang. Upang ito ay mapapangyari, kinailangang magkaroon ng sensus ng papulasyon. Pagpapalalo at ambisyon ang nag-udyok sa ginawang ito ng hari. Ang pagbibilang sa mga tao ay magpapahayag ng pagkakaiba sa pagitan ng kahinaan ng bansa nang si David ay pumanhik sa trono at sa lakas at pagiging maunlad noon sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ito ay nakahilig sa lubos pang pagpapalakas sa lubha nang malaking pagtitiwala sa sarili kapwa ng hari at ng bayan. Wika ng Kasulatan, “Si Satanas ay tumayo laban sa Israel, at kinilos ni David na bilangin ang Israel.” Ang pag-unlad ng Israel sa ilalim ng pamumuno ni David ay dahil sa pagpapala ng Dios at hindi sa kakayanan ng kanyang hari o sa lakas ng kanyang mga hukbo. Subalit ang pagpapadami ng mga kakayanan ng militar ay magbibigay ng kaisipan sa kalapit na mga bansa na ang pagtitiwala ng Israel ay sa kanyang mga hukbo, at hindi sa kapangyarihan ni Jehova.MPMP 890.1
Bagaman ang mga taong bayan ng Israel ay nagmamapuri sa ka- dakilaan ng kanilang bansa, hindi sila tumingin na may kaluguran sa panukala ni David sa gano'ng pagpapalaki ng militar. Ang pinanuka- lang pagtatala ay naging sanhi ng maraming hindi pagkasiya; dahil doon naisip na gamitin ang mga opisyal ng militar sa lugar ng mga saserdote at mga hukom, na dating kumuha ng sensus. Ang layunin ng gawaing iyon ay lubhang taliwas sa mga prinsipyo ng pamahalaan ng Dios. Maging si Joab ay tumutol, bagaman dati ay kilalang walang prinsipyo. Wika niya, “Gawin nawa ng Panginoon ang Kanyang bayan na makasandaang higit sa dami nila: ngunit panginoon ko na hari, di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking Panginoon? bakit kinakailangan ng panginoon ko ang bagay na ito? Bakit siya'y magiging sanhi ng ipagkakasala ng Israel? Gayon may ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab. Kaya't si Joab ay yu- maon, at naparoon sa buong Israel, at dumating sa Jerusalem.” Ang pagbibilang ay hindi pa tapos nang tanggapin ni David ang kanyang pagkakamali. Sinisisi ang sarili, na kanyang sinabi “sa Panginoon, Ako'y nagkasala ng malaki sa along nagawa: ngunit ngayo'y isinasamo ko sa Iyo na Iyong pawiin ang kasamaan ng Iyong lingkod; sapagkat along ginawa ng buong kamangmangan.” Nang sumunod na umaga isang pahayag ang pinarating kay David sa pamamagitan ni propetang Gad: “Ganito ang sabi ng Panginoon, Piliin mo ang iniibig mo: Tatlong taong kagutom; o tatlong buwan ng pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway, samantalang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umabot sa iyo; o kung dili ay tatlong araw na ang tabak ng Panginoon, samakatuwid bagay ang salot sa lupain, at ang anghel ng Panginoon ay mangwawasak sa lahat ng hangganan ng Israel. Ngayon nga'y,” wika ng propeta, “akalain mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa Kanya na nagsugo sa akin.”MPMP 890.2
Ang sagot ng hari ay, “Ako'y totoong nasa kagipitan: ipinamaman- hik ko na ihulog mo ako ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagkat totoong malaki ang Kanyang kaawaan; at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.”MPMP 891.1
Ang lupain ay hinampas ng salot, na pumuksa sa pitumpung libo sa Israel. Ang parusa ay hindi pa nakakapasok sa kapitolyo, nang “itinanaw ni David ang kanyang mga mata, at nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit, na may hawak na tabak sa kanyang kamay na nakaunat sa Jerusalem. Nang magkagayo'y si David at ang mga matanda, na nangakapanamit ng kayong magaspang ay nangagpatirapa.” Ang hari ay nakiusap sa Dios alang-alang sa Israel: “Hindi ba ako ang nagpabilang sa bayan? sa makatuwid bagay ako yaong nagkasala at gumawa ng totoong kasamaan; ngunit ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon kong Dios, na ang Iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sambahayan ng aking ama; ngunit huwag laban sa Iyong bayan, na sila'y masasalot.”MPMP 891.2
Ang pagkuha ng sensus ay naging sanhi ng hindi pagkalugod ng bayan; gano'n pa man kanila ring inibig ang gano'n ding kasalanan na nag-udyok sa isinagawa ni David. Kung paanong nagparating ang Panginoon sa pamamagitan ng kasalanan ni Absalom ng hatol kay David, gano'n din naman sa pamamagitan ng pagkakamali ni David Kanyang pinarusahan ang mga kasalanan ng Israel.MPMP 891.3
Itinigil ng namumuksang anghel ang kanyang isinasagawa sa labas ng Jerusalem. Siya ay tumindig sa bundok ng Moriah, “sa giikan ni Ornan na Jebuseo.” Sa pag-uutos ng propeta, si David ay pumanhik sa bundok, at doon ay nagtayo ng dambana para sa Panginoon, “at naghandog ng mga handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at tumawag sa Panginoon; at sinagot niya siya mula sa langit sa pamamagitan ng apoy sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin.” “Sa gayo'y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain, at ang salot ay tumigil sa Israel.”MPMP 892.1
Ang lugar na kung saan ang dambana ay itinayo, na mula sa pagkakataong ito ay kikilalaning banal na dako, ay inialok ni Ornan sa hari na isang kaloob. Subali't ang hari ay tumangging tanggapin iyon na gano'n. “Katotohanang aking bibilhin ng buong halaga,” wika niya; “sapagkat hindi ko kukunin ang iyo para sa Panginoon, o maghahandog man ng handog na susunugin na walang bayad. Sa gayo'y ibinigay ni David kay Ornan dahil sa dakong yaon ang anim na raang siklong ginto na pinakatimbang.” Ang dakong ito, na makasaysayan bilang lugar na kung saan si Abraham ay nagtayo ng dambana upang ihandog ang kanyang anak, at ngayon ay pinabanal ng dakilang pagliligtas na ito, pagdaka ay napiling lugar ng templo na itinayo ni Salomon.MPMP 892.2
Isang kadiliman ang mamumuo sa huling mga taon ni David. Nakarating na siya sa edad na pitumpu. Ang mga kahirapan at mga pagkakalantad ng una niyang paglalagalag, ang marami niyang pakikipagbaka, ang mga pasanin at mga paghihirap ng huli niyang mga taon, ay umubos na sa bukal ng buhay. Bagaman taglay pa ng kanyang pag-iisip ang kalinawan at lakas noon, ang panghihina at edad, at ang pagnanasa noon na humiwalay, ay humadlang sa madaling pagkabahala sa nangyayari sa kaharian, at sa muli ang paghihimagsik ay bumangon sa nalililiman ng trono. Sa muli ang bunga ng pagpa- palayaw ni David bilang isang magulang ay nahayag. Ang nagha- hangad ngayon sa trono ay si Adonia, isang “totoong makisig na lalaki” sa pagkatao at sa tindig, subalit walang prinsipyo at padalus- dalos. Sa kanyang kabataan siya ay napailalim sa kaunting pagbabawal lamang; sapagkat “hindi kinasama ng loob ng kanyang ama kailan- man, na nagsabi, Bakit ka gumawa ng ganyan?” Siya ngayon ay naghimagsik laban sa awtoridad ng Dios, na pumili kay Salomon para sa trono. Kapwa sa likas na mga kaloob at pagiging relihiyoso si Salomon ay higit na nararapat kaysa kanyang kapatid na nakatatanda upang maging hari ng Israel; gano'n pa man bagaman ang pinili ng Dios ay malinaw nang ipinahayag, si Adonia ay hindi nabigong maka- kita ng mga karamay. Si Joab, bagaman maraming nagawang krimen, dati rati ay naging tapat sa trono; subalit ngayon ay sumapi sa sabwatan laban kay Salomon, gano'n din si Abiathar na saserdote.MPMP 892.3
Ang paghihimagsik ay hinog na; ang magkakasabwat ay natipon sa isang malaking piging sa labas lamang ng lungsod upang si Adonia ay iproklamang hari, nang ang kanilang mga panukala ay nasira dahil sa madaliang pagkilos ng ilang tapat na mga tao, na pangunahin doon ay si Sadok na saserdote, si Natan na propeta, at si Bathsheba na ina ni Salomon. Kanilang ipinahayag ang mga bagay na nangya- yari sa hari, na ipinaalala sa kanya ang ipinag-utos ng Dios na si Salomon ang hahalili sa trono. Kaagad si David nagbitiw para kay Salomon, na agad pinahiran ng langis at inihayag na hari. Ang sabwatan ay naguho. Ang pangunahing nagsiganap doon ay pinatawan ng parusang kamatayan. Ang buhay ni Abiathar ay iniligtas, bilang paggalang sa kanyang tungkulin at sa dati niyang katapatan kay David; subalit siya ay ibinaba mula sa tungkulin ng punong saserdote, na nalipat sa hanay ni Sadoc. Si Joab at si Adonias ay hindi agad pinatay, subalit nang mamatay si David kanilang dinusa ang kaparusahan ng kanilang kasalanan. Ang pagsasakatuparan ng hatol sa anak ni David ang tumapos sa apat na kaparusahan na nagpapato- too sa pagkamuhi ng Dios sa kasalanan ng ama.MPMP 893.1
Mula sa pinakasimula ng paghahari ni David isa sa pinakaiibig niyang panukala ay ang makapagtayo ng templo para sa Panginoon. Bagaman hindi siya nagpahayag ng kaunting kasigasigan lamang at pagsisikap alang-alang doon. Siya ay naglaan ng maraming mama- haling mga kasangkapan—ginto, pilak, batong onix, at mga batong may sari-saring kulay; marmol, at pinaka mamahaling mga kahoy. At ngayon ang mga mahahalagang mga kayamanang ito na kanyang natipon ay kinakailangang ipagkatiwala sa iba; sapagkat ibang mga kamay ang kinakailangang gumawa ng bahay para sa kaban, na sim- bolo ng presensya ng Dios.MPMP 893.2
Nakikitang ang kanyang wakas ay malapit na, ipinatawag ng hari ang mga prinsipe ng Israel, kasama ang kinatawang mga lalaki mula sa lahat ng bahagi ng kaharian, upang tanggapin ang kanyang pamanang ipagkakatiwala. Ninais niyang itagubilin sa kanila ang kanyang huling hamon at kunin ang kanilang pagsang-ayon at suporta sa dakilang gawain na kinakailangang magampanan. Dahil sa kahinaan ng kanyang pangangatawan, hindi inaasahan na siya ay makakadalo sa pagsasaling ito; subalit ang inspirasyon ng Dios ay dumating sa kanya, at mayroong higit sa dati niyang sigla at kapangyarihan, nagawa niya, sa kahulihulihang pagkakataon, ang magsalita sa kanyang bayan. Sinabi niya sa kanila ang sarili niyang pagnanais na gumawa ng templo, at ang tagubilin ng Dios na ang gawaing iyon ay ipagkakatiwala sa kanyang anak na si Salomon. Ang paniniyak ng Dios ay, “Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng Aking bahay at ng Aking mga looban; sapagkat Aking pinili siya upang maging anak Ko, at Ako'y magiging kanyang ama. At Aking itatatag ang kanyang kaharian magpakailan pa man, kung kanyang pamamalagiing sundin ang Aking mga utos at ang Aking mga kaha- tulan, gaya sa araw na ito.” “Ngayon nga'y” wika ni David, “sa pa- ningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.”MPMP 893.3
Natutunan ni David sa pamamagitan ng sarili niyang karanasan kung gaano kahirap ang landas ng humihiwalay sa Dios. Nadama niya ang paghatol ng kautusang sinalangsang, at umani ng mga bunga ng pagsalangsang; at ang buo niyang kaluluwa ay kinilos ng pagsu- sumamo na ang mga pinuno ng Israel ay maging tapat sa Dios, at si Salomon ay sumunod sa kautusan ng Dios, umiwas sa mga kasalanan na nagpahina sa kapangyarihan ng kanyang ama, na nagpapait sa kanyang buhay, at lumapastangan sa Dios. Alam ni David na kailan- gan ng pagpapakumbaba ng puso, isang pagtitiwala sa Dios na tuluy- tuloy, at walang sawang pagpupuyat upang malabanan ang tukso na tiyak na papalibot kay Salomon sa kanyang mataas na kalagayan; sapagkat ang gano'ng pangunahing mga tao ay bukod tanging pinu- puntirya ng mga sibat ni Satanas. At humarap sa kanyang anak, na kinikilala nang hari bilang kanyang kahalili sa trono, ay sinabi ni David: “At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo Siya ng sakdal na puso at ng kusang pag-iisip: sapagkat sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naalaman ang lahat na akala ng pag-iisip: kung iyong hanapin Siya, ay masusumpungan Siya sa iyo; ngunit kung pabayaan mo Siya, Kanyang itatakwil ka magpakailan man. Mag-ingat ka ngayon; sapagkat pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuwaryo; magpakalakas ka, at gawin mo.”MPMP 894.1
Binigyan ni David si Salomon ng mga detalye ng pagtatayo ng templo, na may mga huwaran ang bawat bahagi, at ang lahat ng mga kasangkapan sa mga serbisyo, na ipinahayag sa kanya ng inspirasyon ng Dios. Si Salomon ay bata pa at umurong sa mabigat na responsi- bilidad na mapapalagay sa kanya sa pagtatayo ng templo at sa pamama- hala sa bayan ng Dios. Wika ni David sa kanyang anak, “Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagkat ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay sumasaiyo; hindi ka Niya iiwan, o pababayaan man.”MPMP 895.1
Si David ay muling nanawagan sa kapisanan: “Si Salomon na aking anak na siya lamang pinili ng Dios ay bata pa at sariwa, at ang gawain ay malaki; sapagkat ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios.” Wika niya, “Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios,” at nagpatuloy siya upang banggitin ang mga materyales na kanyang natipon. Higit sa mga ito, wika niya, “Aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay; sa makatuwid bagay tatlong libong talentong ginto, na ginto sa Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng bahay.” “Sino nga,” tanong niya sa nagtitipong karamihan ng nagdala ng kanilang malayang mga kaloob—“Sino nga ang maghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito?”MPMP 895.2
Nagkaroon ng handang kasagutan mula sa kapulungan. “Ang mga prinsipe ng mga sambahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga tagapamahala sa gawain ng hari; at ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sampung libong dariko, at pilak na sampung libong talen- to, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento.” At silang nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon.... Nang magkagayo'y nagalak ang bayan, dahil sa sila'y nangaghandog na kusa, sapagkat sila'y may dalisay na puso na nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak.MPMP 895.3
“Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong ka- pisanan; at sinabi ni David, Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan man. Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagkat lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay Iyo: Iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at Ikaw ay nataas na pangulo sa lahat. Kaya't ngayon aming Dios, kami ay nagpapasalamat sa Iyo, at aming pinupuri ang Iyong maluwalhating pangalan. Ngunit sino ako, at ano ang aking bayan, na makapagha- handog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan? sapagkat ang lahat na bagay ay nangagmumula sa Iyo, at ang Iyong sarili ay aming ibinigay sa Iyo. Sapagkat kami ay mga taga ibang lupa sa harap Mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal. Oh Panginoon naming Dios, lahat ng bagay na ito na aming ini- handa upang ipagtayo Ka ng bahay na ukol sa Iyong banal na pangalan ay nangagmumula sa Iyong kamay at Iyong sariling lahat. Talas- tas ko rin, Dios ko na Iyong sinusubok ang puso, at nalulugod sa katuwiran.”MPMP 896.1
“Sa ganang akin, sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito: at ngayo'y nakita kong may kagalakan ang Iyong bayan na nahaharap dito, na naghahandog na kusa sa Iyo. Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan Mo ito magpakailan man sa akala ng mga pag-iisip ng puso ng Iyong bayan, at ihanda Mo ang kanilang puso sa Iyo: at bigyan Mo naman si Salomon na aking anak ng sakdal na puso, upang ingatan ang Iyong mga utos, ang Iyong mga patotoo, at ang Iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang templo, na siyang aking ipinag- handa. At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon.”MPMP 896.2
May pinakamalalim na pagmamalasakit na tinipon ng hari ang mga materyales para sa pagpapatayo at pagpapaganda ng templo. Kinatha niya ang maluwalhating mga awit na sa sumunod na mga taon ay umalingawngaw sa mga bakuran noon. Ngayon ang kanyang puso ay pinagalak sa Dios samantalang ang prinsipe ng mga sambahayan at ang mga matanda ng Israel ay marangal na tumugon sa kanyang panawagan, at ipinagkaloob ang kanilang mga sarili sa mahalagang gawain sa harap nila. At samantalang ipinagkakaloob nila ang kanilang paglilingkod, sila'y naghandang magbigay pa ng mas marami. Dinagdagan nila ang mga handog, na ibinigay ang sarili nilang mga pag-aari sa kabang yaman. Nadama ni David ng husto ang pagiging hindi niya karapat-dapat sa pagtipon ng mga materyales para sa bahay ng Dios, at sa pagpapahayag ng katapatan ng mga marangal na tao sa kanyang kaharian, samantalang bukal sa puso na itinalaga nila ang kanilang mga kayamanan kay Jehova at itinalaga ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa Kanya, na puno ng kagalakan. Subalit ang Dios lamang ang nagbigay ng disposisyong ito sa Kanyang bayan. Siya, at hindi tao, ang kinakailangang luwal- hatiin. Siya ang nagkaloob sa bayan ng kayamanan ng lupa, at ang Kanyang Espiritu ang naghanda sa kanila upang bukal sa loob na dalhin ang kanilang mahahalagang mga bagay para sa templo. Ang lahat ng iyon ay dahil sa Panginoon; kung ang Kanyang pag-ibig ay hindi kumilos sa puso ng mga taong bayan, maaring nawalan ng saysay ang mga pagsisikap ng hari, at ang templo ay hindi sana naitayo kailan man.MPMP 896.3
Ang lahat ng tinatanggap ng tao mula sa kayamanan ng Dios ay pag-aari pa rin ng Dios. Anuman ang ipinagkaloob ng Dios na mahahalaga at magagandang mga bagay sa lupa ay inilalagay sa mga kamay ng tao upang sila ay subukin—upang ihayag ang kalaliman ng kanilang pag-ibig para sa Kanya at ang kanilang pagpapahalaga sa Kanyang mga kaloob. Maging iyon ay mahahalagang mga kayamanan o karunungan, iyon ay kinakailangang mailapag, na isang bukal sa loob na handog, sa paanan ni Jesus; na sinasabi ng nagkaka- loob, samantalang isinasagawa iyon, na kasama ni David, “lahat ng bagay ay nangagmumula sa Iyo, at ang Iyong sarili ay aming ibinigay sa Iyo.”MPMP 897.1
Nang kanyang nadama na ang kamatayan ay lumalapit na, ang pasanin ng puso ni David ay tungkol pa rin kay Salomon at sa kaharian ng Israel, na ang pagiging maunlad ay kinakailangang higit na nakasalalay sa pagiging tapat ng kanilang hari. “At kanyang itina- go kay Salomon na kanyang anak, na sinasabi, Ako'y yumayaon ng lakad ng buong lupa; ikaw ay magpakalakas nga at magpakalalaki; at iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa Kanyang mga daan, na ingatan ang Kanyang mga palatuntunan, ang Kanyang mga utos, at ang Kanyang mga kahatulan, at ang Kanyang mga patotoo,...upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong gawain, at saan ka man pumihit: upang papagtibayin ng Panginoon ang Kanyang salita na Kanyang sinalita tungkol sa akin, na sinasabi, kung ang iyong mga anak ay magsisipag-ingat sa kanilang lakad, na lalakad sa harap Ko sa katotohanan ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa, hindi ka kukulangin ng lalaki sa luklukan ng Israel.” 1 Hari 2:1-4.MPMP 897.2
Ang “huling mga pananalita” ni David ayon sa pagkakatala, ay isang awit—isang awit ng pagtatagubilin, ng pinakamatayog na prinsipyo, at pananampalatayang hindi pumapanaw:MPMP 898.1
“Sinabi ni David na anak ni Isai,
At sinabi ng lalaki na pinapangibabaw,
Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob,
At kalugod-lugod na mang-aawit sa Israel:
Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko:...
Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran,
Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan
pagka ang araw ay sumisikat,
Sa isang umagang walang alapaap;
Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa,
Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
Katotohanang ang aking sambahayan ay hindi gayon sa Dios;
Gayon ma'y nakipagtipan siya
sa akin ng isang tipang walang hanggan,
Maayos sa lahat ng mga bagay, at maaasahan:
Sapagkat siyang aking buong kaligtasan,
at buong nasa.” 2 Samuel 23:l-5.MPMP 898.2
Malaki ang naging pagkahulog ni David, subalit malalim ang kanyang naging pagsisisi, maalab ang kanyang pag-ibig, at malakas ang kanyang pananampalataya. Siya na pinatawad ng malaki, kayat umibig siya ng malaki. Lucas 7:48.MPMP 898.3
Ang mga awit ni David ay dumadaan sa lahat ng uri ng karanasan, mula sa kalaliman ng pagkabatid ng kasalanan at pagsisisi sa sarili hanggang sa pinakamataas na pananampalataya at pinakamarangal na pakikipag-ugnayan sa Dios. Ang tala ng kanyang buhay ay nagpapahayag na ang kasalanan ay nakapaghahatid lamang ng kahihiyan at kahirapan, subalit ang pag-ibig at kaawaan ng Dios ay maaaring makaabot sa pinakamalalim na kalaliman, ang pananampalataya ay magtataas sa nagsisising kaluluwa upang makibahagi sa pagkakaam- pon sa pagiging mga anak ng Dios. Sa lahat ng mga paniniyak na nilalaman ng kasulatan, iyon ay isa sa pinakamakapangyarihang pa- totoo tungkol sa katapatan, kahatulan, at tipan ng kaawaan ng Dios.MPMP 898.4
Ang tao “ay tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi,” “ngunit ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.” “Ang kagandahang loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa Kanya, at ang Kanyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak; sa gayong nag-iingat ng kanyang tipan, at sa nagsisialaala ng Kanyang mga utos upang gawin.” Job 14:2; Isaias 40:8; Mga Awit 103:17, 18.MPMP 899.1
“Anumang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man.” Ecclesiastes 3:14.MPMP 899.2
Maluwalhati ang mga pangako na ginawa kay David at sa kanyang sambahayan, mga pangakong tumatanaw sa walang hanggang mga kapanahunan, at nagkakaroon ng ganap na katuparan kay Kristo. Inihayag ng Panginoon: “Aking isinumpa kay David na Aking lingkod...na siyang itatatag ng Aking kamay; palalakasin naman siya ng Aking bisig.... Ang pagtatapat Ko at ang kagandahang-loob Ko ay sasa kanya; at sa pangalan Ko'y matataas ang kanyang sungay. Akin namang ilalapag ang kanyang kamay sa dagat, at ang kanyang kanan ay sa mga ilog. Siya'y dadaing sa Akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. Akin namang gagawin siyang panganay Ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa. Ang kagandahang-loob Ko'y aking iingatan sa kanya magpakailan man, at ang tipan Ko'y mananayon matibay sa kanya.” Mga Awit 89:3-28.MPMP 899.3
“Ang kanya namang binhi ay pananatilihin
Ko magpakailan man,
At ang luklukan niya'y
parang mga araw ng langit.” Mga Awit 89:29.MPMP 899.4
“Kanyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kanyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaray-warayin ang mangaapi.
Sila'y mangatatakot sa iyo
habang nananatili ang araw,
At habang sumisilang ang buwan,
sa lahat ng sali't saling lahi....
Sa kanyang mga kaarawan
ay giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan,
hanggang sa mawala ang buwan.
Siya naman ay magtataglay
ng pagpapakapanginoon sa dagat,
At mula sa ilog hanggang sa wakas sa lupa.”
“Ang Kanyang pangalan ay mananatili kailan man:
Ang Kanyang pangalan
ay magluluwat na gaya ng araw:
At ang mga tao ay pagpapalain sa kanya:
Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.” Mga Awit 72:4-8,17.MPMP 899.5
“Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang Bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa Kanyang balikat: at ang Kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.” “Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa Kanya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na Kanyang ama: at Siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magwawa- kas ang Kanyang kaharian.” Isaias 9:6; Lucas 1:32, 33.MPMP 900.1