Kabanata 8—Pagkalipas ng Baha
.
Labing limang siko ang lalim na inihigit ng tubig sa pinakamataas na bundok. Malimit inaakala ng sambahayang nasa daong na sila'y mamamatay, samantalang sa loob ng limang buwan ang kanilang daong ay ipinaghahampasan, na tila nasa kaawaan na lamang ng hangin at ng alon. Iyon ay lubos na nakasusubok; subalit ang pananampalataya ni Noe ay hindi nanlupaypay, sapagkat mayroon siyang kasiguruhan na ang banal na kamay ang nasa timon ng sasakyan.MPMP 119.1
Samantalang ang tubig ay nagpapasimulang bumababa, pinapang- yari ng Panginoon na ang daong ay mapadpad sa isang dakong naiingatan ng mga bundok na iningatan ng Kanyang kapangyarihan. Ang mga bundok na ito ay tigkakaunti lamang ang layo mula sa isa't isa, at ang daong ay uminog sa matahimik na lugar na ito, at hindi na napadpad sa malalalim na mga karagatan. Ito ay nagbigay ng kagin- hawahan sa mga pagod at nalulang mga nakasakay.MPMP 119.2
Si Noe at ang kanyang sambahayan ay matamang naghintay sa paghupa ng tubig, sapagkat kinasasabikan na nilang humayo na namang muli sa lupa. Apat na pung araw mula nang matanaw ang mga tuktok ng bundok, sila ay nagsugo ng isang uwak, isang ibon na may malakas na pang-amoy, upang alamin kung ang lupa ay natuyo na. Ang ibong ito, nang walang masumpungang kahit ano kundi tubig ay nagpatuloy ng pagpaparoon at parito mula sa daong. Maka- lipas ang pitong araw isang kalapati ang isinugo, na, noong walang madapuan, ay nagbalik sa daong. Si Noe ay naghintay ng pitong araw, at muli ay isinugo ang kalapati. Nang iyon ay bumalik kinaha- punan na may dalang dahon ng olibo sa kanyang tuka, ay nagkaroon ng malaking kagalakan. Pagkalipas noon “inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya, at, narito't ang ibabaw ng lupa ay tuyo.” Patuloy siyang naghintay ng may pagtitiis sa loob ng daong. Kung papaanong siya ay pumasok sa utos ng Panginoon, siya ay naghintay sa natatanging pahayag upang lumabas.MPMP 119.3
Sa wakas isang anghel ang bumaba mula sa langit, binuksan ang malaking pinto, at pinahayo ang patriarka at ang kanyang sambahayan sa lupa kasama ang bawat may buhay. Sa kagalakan sa kanilang pagka- kalabas hindi ni Noe kinalimutan Siya na sa pamamagitan ng Kanyang pangangalaga sila ay naingatan. Ang una niyang ginawa pagkalabas ng daong ay ang magtayo ng altar at mag-alay mula sa bawat uri ng malilinis na hayop at ibon ng isang hain, sa gano'ng paraan ay inihahayag ang kanyang pagpapasalamat sa Dios sa pagliligtas at ang kanyang pananampalataya kay Kristo, ang dakilang hain. Ang handog na ito ay kalugud-lugod sa Panginoon; at isang pagpapala ang naging bunga, hindi lamang para sa patriarka at sa kanyang sambahayan, kundi sa lahat ng mabubuhay sa lupa. “At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi Ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao.... Samantalang ang lupa ay lumalagi ay hindi maglilikat ang paghahasik at pag-aani, at ang lamig at ang init, at ang tag-araw at tagginaw, at ang araw at gabi.” Narito ang isang aral sa lahat ng sumusunod na lahi. Si Noe ay lumabas sa isang sirang lupa, subalit bago gumawa ng bahay para sa kanyang sarili siya ay nagtayo ng isang altar para sa Dios. Ang bilang ng kanyang alagang hayop ay kakaunti, at iningatang may kahirapan; ganoon pa man siya ay nagbigay ng bahagi noon sa Panginoon bilang pagkilala na ang lahat ay sa Panginoon. Sa gano'ng ding paraan kinakailangang unahin natin ang pagbibigay ng ating malayang handog sa Dios. Ang bawat pagpapahayag ng Kanyang kaawaan at pag-ibig ay kinakailangang mapasalamatan, kapwa sa pamamagitan ng pagtatalaga at pagbibigay ng mga kaloob para sa Kanyang gawain.MPMP 119.4
Upang ang mga namumuong ulap at ang pag-ulan ay hindi mag- hatid ng nagpapatuloy na pagkatakot, sa isa pang baha, pinasigla ng Panginoon ang sambahayan ni Noe sa pamamagitan ng isang pangako: “Aking pagtitibayin ang Aking tipan sa inyo;...ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba sa lupa.... Ang Aking bahaghari ay inilalagay Ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan Ko at ng lupa. At mangyayari, pagka Ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.... At Aking mamasdan upang Aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawat kinapal na may buhay.”MPMP 120.1
Anong dakilang pagpapakababa ng Dios at ang Kanyang kaawaan sa Kanyang mga nagkasalang nilikha sa ginawang paglalagay ng ma- gandang bahaghari sa mga alapaap bilang tanda ng Kanyang pakikipagtipan sa tao! Inihayag ng Dios na kung Kanyang mamasdan ang mga bahaghari, ay aalalahanin Niya ang Kanyang tipan. Ito ay hindi nangangahulugan na Siya ay makakalimot; subalit Siya ay nagsasalita sa atin sang-ayon sa ating wika, upang higit nating maunawaan Siya. Layunin ng Dios na kung ang mga anak pagkalipas ng maraming henerasyon ay magtanong kung ano ang kahulugan ng maluwalhating balantok na nasa kalangitan, ay isasaysay ng kanilang mga magulang ang tungkol sa Baha, at sasabihan sila na ang Kataas-taasan ang nagbaluktot at naglagay ng balantok na iyon at inilagay iyon sa mga ulap bilang pagpapatotoo na kailan man ang mga tubig ay hindi na muling aapaw sa lupa. Kung kaya mula sa isang lahi hanggang sa isang lahi ay magpapatotoo iyon ng tungkol sa pag-ibig ng Dios sa tao at magpapalakas ng kanyang pagtitiwala sa Dios.MPMP 120.2
Sa langit ang tulad sa isang bahaghari ang nakapaligid sa trono at nakabalantok sa ulonan ni Kristo. Sang-ayon sa propeta, “Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa kapaligiran. Ito ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon.” Ezekiel 1:28. Inihayag ng rebelador, “Narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo.... Naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo na isang esmeralda.” Apocalipsis 4:2, 3. Kapag ang tao sa pamamagitan ng kanyang maikling kasalanan ay nag-anyaya ng paghatol ng Dios, ang Tagapagligtas, na namamagitan sa Ama para sa kanya, ay ituturo ang bahaghari sa mga alapaap, sa bahaghari na nasa paligid ng trono at sa ibabaw ng kanyang ulonan, bilang tanda ng kaawaan ng Dios sa makasalanang nagsisisi.MPMP 121.1
Sa katiyakang ibinigay kay Noe tungkol sa Baha, ang Dios rin ay nag-uugnay ng isa sa pinakamahalagang pangako ng Kanyang biyaya: “Kung paanong Ako'y sumumpa, na ang tubig sa panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon Ako'y sumumpa na hindi ako mag- iinit sa iyo, o sasaway sa iyo. Sapagkat ang mga bundok ay manga- papaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; ngunit ang Aking kagandahang loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang Akin mang tipan ng kapayapaan ay maaalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.” Isaias 54:9, 10.MPMP 121.2
Samantalang minamasdan ni Noe ang mga hayop na maninila na lumalabas sa daong na kasama niya, ipinangamba niya na ang kanyang sambahayan, na mayroon lamang walong katao, ay malipol nila.MPMP 121.3
Subalit ang Panginoon ay nagsugo ng anghel para sa Kanyang lingkod na may pabalitang nagbibigay ng katiyakan: “Ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawat hayop sa lupa, at sa bawat ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.” Bago ang panahong ito ang Dios ay hindi nagbigay ng pahintulot sa tao upang kumain ng pagkaing hayop; sinadya niyang ang lahi ay mabuhay sa pamamagitan lamang ng ibinubunga ng lupa; subalit ngayon na ang bawat halaman ay nasira, pinahintulutan Niya silang kumain ng karne ng malilinis na hayop na naingatan sa daong.MPMP 122.1
Ang buong balat ng lupa ay nabago sa Baha. Isang pangatlong sumpa ang nakapataw dito bunga ng kasalanan. Samantalang ang tubig ay nagpapasimulang humupa, ang mga gulod at mga bundok ay napapalibutan ng maluwang, at magulong karagatan. Sa lahat ng dako ay may napahampas na bangkay ng tao at ng hayop. Hindi ipahihintulot ng Panginoon na ang mga yaon ay mabulok at ma- ngamoy, kayat ginawa Niyang isang malawak na libingan ang lupa. Isang malakas na hanging pinahihip upang tuyuin ang mga tubig, ang kumilos sa kanila ng may kalakasan, sa ibang pagkakataon ay tinatangay pad ang ibabaw ng mga bundok at itinatambak ang mga punong kahoy, mga bato, at lupa sa ibabaw ng mga bangkay. Sa gano'n ding paraan ang mga pilak at ginto, ang mga piling kahoy at mahahalagang mga bato, na nagpayaman at nagpaganda sa sanlibutan bago bumaha, na noon ay sinamba ng mga nanirahan sa lupa, ay ikinubli mula sa paningin at paghahanap ng tao, ang malakas na pagkilos ng mga tubig na nagtatambak ng lupa at mga bato sa mga kayamanang ito, at sa ibang dako ay bumubuo ng mga bundok sa ibabaw nila. Nakita ng Dios na samantalang Kanyang pinayayaman at pinauunlad ang makasalanang tao, ay pinalalala naman nila ang kasiraan ng kanilang mga lakad sa harap Niya. Ang mga kayamanan na sana'y nag-akay sa kanila upang luwalhatiin ang masaganang Tagapagkaloob ay sinamba, samantalang ang Dios ay nalapastangan at tinalikuran.MPMP 122.2
Ang lupa ay naghayag ng kaguluhan at kasiraang hindi mailalarawan. Ang mga bundok, na dati'y maganda sa kanilang sakdal na pagka- kaangkop, ay naging wasak at hindi na angkop. Ang mga bato, ungos ng bato, at baku-bakong mga bato ngayon ay nakakalat sa ibabaw ng lupa. Sa maraming mga lugar ang mga burol at bundok ay nangawala, na walang iniwang bakas kung saan sila dating naroroon; at ang mga kapatagan ay naging lugar ng mga bundok. Ang mga pagbabagong ito ay higit na hayag sa ibang lugar kaysa sa iba. Kung saan dati ay kinaroroonan ng mga kayamanan ng lupa na ginto, pilak, at maha- halagang bato, ay nakita ang pinakamalaking tanda ng sumpa. At sa mga bansa na dati'y hindi tinitirhan, at kung saan ay nagkaroon ng pinakakaunting krimen, ang sumpa ay kaunti lamang.MPMP 122.3
Sa panahong ito malawak na kagubatan ang nalibing. At ang mga ito mula noon ay naging uling, na siyang bumubuo ng malalawak na kinaroroonan din ng maraming langis. Malimit ang uling at langis ay nagdidikit at nasusunog sa ilalim ng lupa. Sa ganoong paraan ang mga bato ay nag-iinit, ang batong apog ay nasusunog, at ang kinaroroonan ng bakal ay natutunaw. Ang paglapat ng tubig sa apog ay nagdadagdag ng lakas sa matinding init, na nagiging sanhi ng mga lindol, bulkan, at mga apoy na lumalabas. Samantalang ang apoy at tubig ay napapadikit sa mga unos ng bato at ng ore, nagkakaroon ng matinding pagsabog sa ilalim ng lupa, na parang pinatahimik na kulog. Ang hangin ay mainit at nakapipigil ng paghinga. Sumusunod ang pagputok ng bulkan; at ito sa pagkabigong makapagbigay daan sa mga nag-iinit na elemento, ang lupa mismo ay nanginginig, ang lupa ay natitipon at tumataas tulad ng mga alon ng dagat, nagkakaroon ng malalaking tibag, at minsan mga lungsod, mga nayon, at nasusunog na mga bundok ay nalalamon. Ang mga kamangha-manghang kaganapang ito ay higit at higit pang magiging madalas at malala kaysa bago dumating ang mismong panahon ng ikalawang pagdating ni Kristo at ang wakas ng sanlibutan, bilang mga tanda ng mabilis niyaong pagkawasak.MPMP 123.1
Ang mga kalaliman ng lupa ang arsenal ng Panginoon, kung saan kinukuha ang mga sandatang gagamitin sa paggunaw ng sanlibutan. Ang mga tubig na lumalabas mula sa lupa ay sumama sa tubig mula sa langit upang ganapin ang paggunaw. Mula noong Baha, ang apoy gano'n din ang tubig ay naging mga kasangkapan ng Dios sa pagpuksa sa masasamang lungsod. Ang mga kahatulang ito ay ipinadadala upang yaong mga nagwawalang bahala sa kautusan ng Dios at yumuyurak sa Kanyang kapamahalaan ay maakay upang magkaroon ng takot sa Kanyang kapangyarihan at upang tanggapin ang Kanyang maka- tuwirang pamamahala. Samantalang minamasdan ng tao ang nagliliyab na mga bundok na bumubuhos ng apoy at baga at pag-agos ng lahar, tinutuyo ang mga ilog, tinatabunan ang malalaking mga lungsod, at sa lahat ng dako ay nagkakalat ng paninira at pag-kawasak, ang pina- kamatapang na puso ay mapupuno ng takot, at ang mga hindi naniniwala sa Dios at ang mga mamumusong ay napilitang kumilala sa walang hanggang kapangyarihan ng Dios.MPMP 123.2
Ang sabi ng mga propeta noong una, tungkol sa ganitong pang- yayari: “Oh buksan Mo sana ang langit, na Ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa Inyong harapan, gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang Iyong pangalan sa Iyong kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa Iyong harapan! Nang Ikaw ay gumawa ng mga kakila- kilabot na bagay na hindi namin hinihintay, Ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa Iyong harapan.” Isaias 64:1-3. “Ang daan ng Panginoon ay sa ipu-ipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng Kanyang mga paa. Kanyang sinaway ang dagat, at tinuyo ang lahat ng ilog.” Nahum 1:3,4.MPMP 124.1
Higit pang kakilakilabot ang mangyayaring hindi pa kailan man nasaksihan, ang masasaksihan sa ikalawang pagdating ni Kristo. “Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa Kanya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa Kanyang harapan, oo, ang sanlibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito. Sino ang makatatayo sa harap ng Kanyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng Kanyang galit?” Nahum 1:5, 6. “Ikiling Mo ang Iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba Ka: hipuin Mo ang mga bundok at mag- sisiusok. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin Mo sila; suguin Mo ang Iyong mga pana at lituhin Mo sila.” Mga Awit 144:5, 6.MPMP 124.2
“At magpapakita Ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas, at mga tanda sa lupa sa ibaba, dugo at apoy, at singaw ng usok.” Gawa 2:19. “At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakila-kilabot.” “At tumakas ang bawat pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan. At malaking graniso na kasing laki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit.” Apocalipsis 16:18, 20, 21.MPMP 124.3
Samantalang ang mga kidlat mula sa langit ay nakakasama ng apoy na nasa lupa, ang mga bundok ay magliliyab na parang hurno, at magbububo ng kakila-kilabot na agos ng lahar, tinatabunan ang mga hardin at bukid, nayon at mga lungsod. Ang kumukulong mga ele- mento na napatapon sa mga ilog ay magpapakulo sa mga tubig, naghahatid ng malalaking bato sa paraang hindi mailarawan at ikina- kalat ang mga nangababasag sa kanila sa lupain. Ang mga ilog ay mangatutuyo. Ang daigdig ay manginginig; sa lahat ng dako ay magkakaroon ng kakila-kilabot na lindol at mga pagputok.MPMP 124.4
Sa gano'ng paraan ay lilipulin ng Dios ang mga masama mula sa lupa. Subalit ang mga matuwid ay maiingatan sa kalagitnaan ng mga kaguluhang ito, kung paanong si Noe ay naingatan sa daong. Ang Dios ang kanilang dakong kanlungan, at sa ilalim ng Kanyang mga pakpak sila'y magtitiwala. Sabi ng mang-aawit: “Iyong ginawa ang Kataas-taasan “Sapagkat ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan!” Iyong ginawa ang kataas-taasan na iyong tahanan; walang kasamaang mangyayari sa iyo.” Mga Awit 91:9, 10. “Sapagkat sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan Niya ako na lihim sa Kanyang kulandong: sa kublihan ng Kanyang tabernakulo ay ikukubli Niya ako.” Mga Awit 27:5. Ang pangako ng Dios ay, “Sapagkat Kanyang inilagak ang Kanyang pag-ibig sa akin, kaya't iniligtas Ko siya: Aking ilalagay siya sa mataas, sapagkat kanyang naalaman ang pangalan Ko.” Mga Awit 91:14.MPMP 125.1