Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Nakapagbabagong Kapangyarihan ng Katotohanan, Hunyo 25

    At sinumang may ganitong pag-asa sa kanya ay naglilinis sa kanyang sarili, gaya naman niyang malinis. 1 Juan 3:3.KDB 187.1

    Wala maliban sa Kanya na lumalang sa tao ang makapagbabago sa puso ng tao. Tanging ang Diyos ang makapagbibigay ng paglago. Dapat na mabatid ng bawat guro na kailangan siyang kilusin ng mga banal na ahensya. Ang paghatol at kaisipan ng taong may lubusang karanasan ay sumasailalim sa pagiging di-ganap at may kamalian, at ang mahinang instrumento, na sakop ng kanyang sariling mga minanang katangian ng pagkatao, ay kailangang magpasakop sa pagbabanal ng Banal na Espiritu sa bawat araw, kung hindi'y titipunin ng sarili ang mga renda at nais magpatakbo. Sa maamo at mapagpakumbabang espiritu ng mag-aaral, ang lahat ng mga pamamaraan at panukala ng tao ay dapat dalhin para sa Kanyang pagtutuwid at pagtataguyod; kung hindi'y ang walang-pahingang enerhiya ni Pablo o ang magaling na lohika ni Apolos ay magiging walang kapangyarihan para magdulot ng pagkahikayat ng mga kaluluwa.— Testimonies for the Church, vol. 6, p. 167.KDB 187.2

    Nagkatawang-tao si Jesus upang Kanyang makasalamuha ang sangkatauhan. Dinadala Niya ang mga tao sa ilalim ng nakapagbabagong kapangyarihan ng katotohanan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kanila saan man sila naroon. Nakapapasok Siya sa puso sa pamamagitan ng simpatya at pagtitiwala, na ipinadarama sa lahat ang Kanyang pakikiisa sa kanilang likas at kapakanan nang lubos. Lumabas sa Kanyang mga labi ang katotohanang may kagandahan at kasimplihan, ngunit nararamtan ng karangalan at kapangyarihan. Anong galing na guro ang ating Panginoong Jesu-Cristo! Anong giliw ng Kanyang pagturing sa bawat tapat na naghahanap ng katotohanan, upang makamit Niya ang kanyang simpatya, at makahanap ng tahanan sa kanyang puso.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 190.KDB 187.3

    Ibinigay ni Cristo ang bawat kinakailangan upang ang Kanyang iglesya ay maging katawang binago, na pinagliwanag ng Liwanag ng sanlibutan, na taglay ang kaluwalhatian ni Emmanuel. Layunin Niyang mapalibutan ng espirituwal na kapaligiran ng liwanag at kapayapaan ang bawat Cristiano.— Christ’s object Lessons, p. 419.KDB 187.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents