Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Dinidisiplina Niya ang Kanyang Minamahal, Nobyembre 5

    Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang kanyang minamahal, at pinarurusahan ang bawat itinuturing na anak. Hebreo 12:6.KDB 325.1

    Maaaring magkamit ng tagumpay ang Panginoon mula sa tila sa atin ay kahihiyan at kabiguan. Nanganganib tayong makalimutan ang Diyos, na tingnan ang mga bagay na nakikita, imbes na tumingin sa pamamagitan ng mata ng pananampalataya sa mga bagay na hindi nakikita. Kapag dumating ang kapahamakan o sakuna, nakahanda tayong pagbintangan ang Diyos ng pagpapabaya o kalupitan. Kapag nakikita Niyang karapat-dapat putulin ang ating pagiging kapaki-pakinabang sa isang linya, tumatangis tayo, at hindi iniisip na maaaring gumagawa ang Diyos para sa ating ikabubuti sa ganitong pamamaraan. Kailangan nating matutunan na ang pagkastigo ay bahagi ng Kanyang dakilang panukala, at sa ilalim ng pamalo ng paghihirap ang Cristiano minsan ay maaaring mas maraming magawa para sa Panginoon kaysa kapag nasasangkot siya sa aktibong paglilingkod. . . .KDB 325.2

    Ang gawain ng pagkamit ng kaligtasan ay gawain ng pagiging kamanggagawa, isang gawaing magkasama. Dapat na magkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng Diyos at ng makasalanang nagsisisi. Kailangan ito para sa pagbuo ng matuwid na prinsipyo sa karakter. Kailangang magsumikap ang tao para mapanagumpayan iyong pumipigil sa kanya na makamit ang kasakdalan. Ngunit siya'y lubusang nagtitiwala sa Diyos para sa tagumpay. Hindi sapat ang pagsisikap ng tao. Kung wala ang tulong ng banal na kapangyarihan wala rin itong pakinabang. Gumagawa ang Diyos at gumagawa rin ang tao. Dapat na magmula sa tao ang paglaban sa tukso, at kailangan niyang kumuha ng lakas mula sa Diyos. Sa isang panig ay mayroong walang-hanggang karunungan, pagmamahal, at kapangyarihan; sa kabila nama'y kahinaan, pagkamakasalanan, at lubos na kawalang-kakayanan.KDB 325.3

    Ninanais ng Diyos na madaig natin ang ating mga sarili. Ngunit hindi Niya tayo matutulungan kung wala ang ating pahintulot at pakikipagtulungan. Gumagawa ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga kapangyarihan at kakayanan na ibinigay sa tao.— The Acts of the Apostles, pp. 481, 482.KDB 325.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents