Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Katatagan sa Paglilingkod, Oktubre 11

    Kaya, mga kapatid, hayaang ang bawat isa'y manatili sa kalagayan nang siya'y tawagin ng Diyos. 1 Corinto 7:24.KDB 299.1

    Dapat na isuot ng mga lingkod ng Diyos ang bawat piraso ng Cristianong baluti. Hindi tayo nakikipagpunyagi sa mga taong kaaway lamang. Tinatawagan ng Diyos ang bawat Cristiano na makilahok sa pakikidigma, at lumaban sa ilalim ng pangunguna Niya, na nagtitiwala sa biyaya at tulong ng Kalangitan para sa tagumpay. Tayo'y dapat na sumulong sa kalakasan ng Isang Makapangyarihan. Hindi tayo dapat magapi sa mga paglusob ni Satanas. Bakit hindi tayo, bilang mga mandirigmang Cristiano, manindigan laban sa mga pinuno at kapangyarihan, at laban sa mga kapangyarihang di-nakikita na naghahari sa kadilimang ito ng sanlibutan? Tinatawagan tayo ng Diyos na sumulong, gamit ang mga kaloob na ipinagkatiwala sa atin. Maglalagay ng mga tukso si Satanas sa ating harapan. Magsisikap siyang gapiin tayo sa pamamagitan ng mga pakana. Ngunit sa kalakasan ng Diyos tayo'y dapat na manindigang kasing tibay ng bato sa prinsipyo.KDB 299.2

    Walang makaaalis sa pakikidigmang ito. Hindi tumitigil ang mga kampon ni Satanas sa kanilang paggawa ng kapahamakan. Dapat bantayan ng mga nasa paglilingkod ni Cristo ang bawat himpilan. Layunin nating magligtas ng mga kaluluwang nangamamatay mula sa pagkapahamak. Ito'y gawaing may walang- hanggang kadakilaan, at hindi makaaasa ang tao na magtagumpay rito, malibang nakikiisa siya sa banal na Manggagawa.KDB 299.3

    Mula pa sa walang hanggan, si Cristo ay Manunubos na ng sangkatauhan. Mula pa nang mahulog ang tao sa pagkakasala dumating na ang salitang, “Huwag tayong manghinawa sa paggawa ng mabuti” sa mga taong nakikiisa sa Kanya sa Kanyang dakilang gawain. . . .KDB 299.4

    Inuudyukan ang Cristiano na magpakita ng pagtitiyaga sa pagpapasulong ng gawain ng ebanghelyo, na nakaugnay sa gawaing panggagamot. Habang tumatanggap siya ng karanasan sa tunay na relihiyon, tumatanggap din siya ng kaalamang espirituwal na siyang humuhubog sa karakter.KDB 299.5

    Ang buhay ng tunay na Cristiano ay patuloy na paglilingkod.— Testimonies for the Church, vol. 9, pp. 219, 220.KDB 299.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents