Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ipangaral ang Salita, Oktubre 23

    Ipangaral mo ang salita, magsikap ka sa kapanahunan at sa di kapanahunan, magtuwid ka, manaway ka, mangaral ka na may buong pagtitiyaga at pagtuturo.2 Timoteo 4:2.KDB 311.1

    Ang naging paksa ng pangangaral ni Cristo ay ang Salita ng Diyos. Sinagot Niya ang mga nagtatanong sa pamamagitan ng payak na, “Nasusulat,” “Ano ang sinasabi ng Kasulatan?” “Ano ang nabasa mo?” Sa bawat pagkakataon, kapag nagigising ang pansin ng kaibigan o kaaway man, inilalahad Niya ang Salita. Taglay ang kaliwanagan at kapangyarihan, ipinangaral Niya ang mensahe ng ebanghelyo. Nagbigay ng agos ng kaliwanagan sa mga turo ng mga patriyarka at propeta ang Kanyang mga salita, at dumating sa mga tao ang Kasulatan bilang isang bagong paghahayag. Hindi pa nakita ng Kanyang mga tagapakinig ang Salita ng Diyos na may gayong lalim ng kahulugan.— GOSPEL WORKERS, p. 44.KDB 311.2

    Nais ng Diyos na magkaroon ng mga masigasig na pag-iisip ang mga kabataan, na maging handang kumilos sa Kanyang marangal na gawain, at may kakayanang magtaglay ng mga pananagutan. Tinatawagan ng Diyos ang mga kabataang lalaki na may pusong walang dungis, malalakas at matatapang, at may determinasyong makipaglaban nang matapang sa pakikipagtunggali na nasa kanilang harapan, upang kanilang mabigyang papuri ang Diyos, at pagpalain ang sangkatauhan.— Messages to Young People, p. 21.KDB 311.3

    Mga kabataang lalaki, magtungo kayo sa harapan, at ipakilala ninyo ang inyong sarili bilang mga manggagawa na kasama ni Cristo, na tinatanggap ang gawain kung saan Niya ito iniwan, upang dalhin ito hanggang sa katapusan.— Ibid., p. 25.KDB 311.4

    Madalas mong makasasalamuha ang mga taong nasa ilalim ng pagdidiin ng tukso. . . . Mag-ingat kayo at baka masira ninyo ang loob ng mga ganitong kaluluwa, at sa gayo'y mabigyan ng kalamangan ang manunukso. Kapag mayroon kayong nakikita o naririnig na kailangang iwasto, lumapit kayo sa Panginoon para sa karunungan at biyaya, upang sa pagsisikap na maging tapat ay hindi kayo maging labis na mahigpit. Palaging nakahihiya na maituro ang mga pagkakamali ng tao. Huwag ninyong gawing lalong mapait ang karanasan sa pamamagitan ng di- kinakailangang pagpuna. Nagpapahina ng loob ang pagsaway na walang kabaitan, na ginagawang madilim at malungkot ang buhay.— Gospel Workers, p. 496.KDB 311.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents