Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ginawang Matuwid ang Tao, Disyembre 6

    Tingnan ninyo, ito lamang ang aking natagpuan, na ginawang matuwid ng Diyos ang tao; ngunit nagbalak sila ng maraming pamamaraan. Eclesiastes 7:29.KDB 357.1

    Dapat taglayin ng tao ang larawan ng Diyos, parehong sa panlabas at sa karakter. Si Cristo lamang ang “tunay na larawan” ng Ama; ngunit nilalang ang tao sa wangis ng Diyos. Kasang-ayon sa kalooban ng Diyos ang kanyang likas. Magagawa ng kanyang pag-iisip na maunawaan ang mga banal na bagay. Dalisay ang kanyang mga damdamin; nasa ilalim ng kontrol ng katuwiran ang kanyang mga panlasa at damdamin. Siya'y banal at masaya sa pagtataglay ng larawan ng Diyos, at nasa ganap na pagsunod sa Kanyang kalooban.KDB 357.2

    Nagmula ang tao sa kamay ng Maylalang, siya'y matayog sa katayuan at ganap sa kaayusan. Taglay ng kanyang mukha ang mapulang kulay ng kalusugan, at nagniningning sa liwanag ng buhay at kaligayahan. Higit na mataas ang tangkad ni Adan kaysa sa mga taong nabubuhay ngayon sa lupa. Mas mababa nang kaunti si Eva; ngunit marangal ang kanyang anyo, at puno ng kagandahan. Walang suot na artipisyal na damit ang dalawang walang kasalanan; nararamtan sila ng pantakip na liwanag at kaluwalhatian, na gaya ng isinusuot ng mga anghel. Habang nabubuhay sila sa pagsunod sa Diyos, patuloy na palilibutan sila ng kasuotan ng liwanag na ito. . . . Ang Diyos mismo ang nagbigay kay Adan ng kasama. . . . Nilalang si Eva mula sa tadyang na kinuha mula sa tagiliran ni Adan, na nagpapakitang hindi niya siya dapat kontrolin na gaya ng ulo, ni yurakan sa ilalim ng kanyang paa bilang mas mababa, kundi upang tumayo sa kanyang tabi bilang kapantay, upang ibigin at ingatan niya.— Patriarchs and Prophets, pp. 45, 46.KDB 357.3

    Habang nananatili silang tapat sa banal na kautusan, ang kakayanan nilang kumilala, matuwa, at umibig ay patuloy na lalago. Patuloy silang magkakamit ng mga bagong kayamanan ng karunungan, nakatutuklas ng sariwang bukal ng kasiyahan, at palinaw nang palinaw na nagtatamo ng pagkaunawa sa hindi masukat, at hindi nabibigong pag-ibig ng Diyos.— Ibid., p. 51.KDB 357.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents