Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtatalaga ni Moises, Setyembre 26

    Sa pananampalataya, nang nasa hustong gulang na si Moises ay tumangging siya'y tagwaging anak ng anak na babae ni Faraon, na pinili pa ang mapasama sa kaapihan ng bayan ng Diyos, kaysa magkaroon ng pansamantalang kasiyahan ng kasalanan. Kanyang itinuring na malaking kayamanan ang magdusa alang-alang kay Cristo, kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto, sapagkat kanyang pinagtutuunan ng pansin ang gantimpala. Hebreo 11:24-26.KDB 283.1

    Naihanda si Moises upang magkaroon ng mataas na kalagayan sa mga dakila ng lupa, upang magningning sa mga bulwagan ng pinakamaluwalhating kaharian, at upang iwagayway ang setro ng kapangyarihan nito. Namumukod-tangi siya sa mga dakilang tao ng lahat ng kapanahunan dahil sa kadakilaan ng kanyang karunungan. Wala siyang katulad bilang manunulat ng kasaysayan, makata, pilosopo, heneral ng mga hukbo, at mambabatas. Ngunit sa kabila ng mundong nasa kanyang harapan, nagkaroon siya ng kalakasang moral upang tanggihan ang mga mapanlinlang na pangako ng kayamanan at kadakilaan at katanyagan, “na pinili pa ang mapasama sa kaapihan ng bayan ng Diyos, kaysa magkaroon ng pansamantalang kasiyahan ng kasalanan.”KDB 283.2

    Pinagbilinan si Moises tungkol sa huling gantimpala na ibibigay sa mga mapagkumbaba at masunuring lingkod ng Diyos, at lumubog ang makalupang pakinabang sa angkop nitong kawalang kabuluhan sa pagkakahambing dito. Ang marangyang palasyo ni Faraon at ang trono ng hari ay inilahad na panghalina kay Moises; ngunit alam niyang ang mga makasalanang kalayawan na nagiging sanhi upang makalimutan ng mga tao ang Diyos ay nasa mga maringal na bulwagan nito.KDB 283.3

    Tumingin siyang higit sa magandang palasyo, higit sa korona ng hari, tungo sa mataas na karangalan na ibibigay sa mga banal ng Kataastaasan sa isang kahariang hindi nadungisan ng kasalanan. Nakita niya sa pamamagitan ng pananampalataya ang isang koronang hindi nasisira na ipapatong ng Hari ng kalangitan sa ulo ng mananagumpay. Ang pananampalatayang ito'y umakay sa kanya na tumalikod mula sa mga prinsipe ng sanlibutan, at sumama sa mga mapagpakumbaba, aba, at kinamumuhiang bansa na piniling sumunod sa Diyos imbes na maglingkod sa kasalanan.— Patriarchs and Prophets, p. 246.KDB 283.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents