Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagbibigay Siya ng Isang Bagong Awit, Setyembre 20

    Nilagyan niya ng bagong awit ang aking bibig, isang awit ng pagpupuri sa ating Diyos. Marami ang makakakita at matatakot, at magtitiwala sa PANGINOON. Awit 40:3.KDB 277.1

    Kapag kinokontrol ng Espiritu ng Diyos ang puso at isipan, umaawit ng isang bagong awit ang nahikayat na kaluluwa; sapagkat nauunawaan niya sa kanyang karanasan na naganap na ang pangako ng Diyos, na napatawad na ang kanyang paglabag, natakpan na ang kanyang kasalanan. Nagsisi siya sa Diyos dahil sa paglabag sa banal na utos, at nagkaroon ng pananampalataya kay Cristo na namatay para sa pag-aaring ganap ng tao.— The Acts of the Apostles, p. 476.KDB 277.2

    Taglay ang ganitong pag-asa sa ating harapan, na napakaluwalhating pag- asa, isang pagtubos na binayaran ni Cristo para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo, mananahimik ba tayo? Hindi ba natin pupurihin ang Diyos na may malakas na tinig, na gaya rin ng mga alagad noong pumasok si Jesus sa Jerusalem na nakasakay sa asno? Hindi ba higit na maluwalhati ang ating pag-asa kaysa sa kanila? Sino ang mangangahas na pagbawalan tayo sa pagluwalhati sa Diyos, na may malakas na tinig, kung mayroon tayong ganitong pag-asa, malaki at may walang-hanggang buhay, at puno ng kaluwalhatian? Nalasap na natin ang mga kapangyarihan ng darating na sanlibutan, at umaasa tayo para sa higit pa.— Early Writings, p. 110.KDB 277.3

    Sa pamamagitan ng kanilang mabubuting gawa, magbibigay kaluwalhatian ang mga tagasunod ni Cristo, hindi sa kanilang sarili, kundi sa Kanya na nagbigay lakas sa kanila sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan. Nagagawa ang bawat mabuting gawa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ibinigay ang Espiritu upang magbigay kaluwalhatian, hindi sa tumanggap, kundi sa Nagbigay. Kapag nagniningning ang liwanag ni Cristo sa kaluluwa, mapupuno ang mga labi ng papuri at pasasalamat sa Diyos. Ang iyong mga panalangin, ang iyong pagganap sa tungkulin, ang iyong kabutihan, ang iyong pagtanggi sa sarili, ay hindi ang magiging tema ng iyong pag-iisip o pananalita. Madadakila si Jesus, maitatago ang sarili, at mahahayag si Cristo bilang lahat sa lahat.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 80, 81.KDB 277.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents