Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Itinalaga Ko Kayo, Oktubre 1

    Ako'y hindi ninyo pinili, ngunit kayo'y pinili ko, at itinalaga ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga, at ang mga bunga ninyo'y mananatili, upang ang anumang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan ay ibigay niya sa inyo. Juan 15:16.KDB 289.1

    Ang buhay sa lupa ay panimula ng buhay sa langit; pagtanggap sa mga prinsipyo ng kalangitan ang edukasyon sa lupa; ang gawain sa buhay rito ay pagsasanay para sa buhay roon. Tiyak na paglalarawan ng kung magiging ano tayo ang kung ano tayo ngayon sa karakter at sa banal na paglilingkod. Ang gawain ni Cristo sa baba ay ang gawain Niya sa itaas, at ang ating gantimpala para sa paggawa kasama Niya sa sanlibutang ito ay ang higit na makapangyarihan at mas malawak na pribilehiyo ng paggawa kasama Niya sa darating na sanlibutan. . . .KDB 289.2

    Sa ating buhay rito, bagaman makalupa at pinipigilan ng kasalanan, nasa paglilingkod ang pinakadakilang kasiyahan at pinakamataas na edukasyon. At sa kalagayan sa hinaharap, na hindi napipigilan ng mga limitasyon ng makasalanang pagkatao, nasa paglilingkod pa rin matatagpuan ang ating pinakadakilang kaligayahan at ang ating pinakamataas na edukasyon—pagsaksi, at habang tayo'y sumasaksi, natututunan nating muli ang “mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito;” “na ito'y si Cristo na nasa inyo, na siyang pag- asa sa kaluwalhatian.”— EDUCATION, pp. 307-309.KDB 289.3

    Hindi nagbigay si Cristo ng tipid na paglilingkod. Hindi Niya sinukat ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng mga oras. Nagugol sa paggawa ang Kanyang panahon, ang Kanyang puso, ang Kanyang kaluluwa at kalakasan para sa pakinabang ng sangkatauhan. Sa gitna ng mga nakapapagal na mga araw, nagsumikap Siya, at sa mahahabang gabi yumuko Siya sa pananalangin para sa biyaya at pagtitiyags upang makagawa Siya ng mas malaking gawain. . . . “Ang pag-ibig ni Cristo,” sabi ni Pablo, “ang humihimok sa amin.” Ito ang nagpapakilos na prinsipyo ng Kanyang paggawi; ito ang motibong nagpapakilos sa Kanya.— Gospel Workers, pp. 292, 293.KDB 289.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents