Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Siya'y Sumasaway, Nobyembre 8

    Ang lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi. Apocalipsis 3:19.KDB 328.1

    Nakita ng Panginoon na kailangan mong magawang handa para sa Kanyang makalangit na kaharian. Hindi ka Niya inilagay sa hurno para puksain ng apoy ng pagpapahirap. Bilang isang tagadalisay ng pilak, lagi ka Niyang tinitingnan, na minamasdan ang proseso ng pagdadalisay hanggang makita Niya ang Kanyang wangis na nasasalamin sa iyo. Bagaman madalas mong naramdaman ang apoy ng paghihirap na nagbabaga sa iyo, at may mga panahong inisip mo na pupuksain ka nito, ngunit ang kabutihan ng Diyos ay naging gayon ding dakila sa iyo sa mga panahong ito na gaya rin sa mga panahong ika'y malaya sa espiritu, at nananagumpay sa Kanya. Ang layunin ng hurno ay magdalisay at magpahusay, hindi ang tumupok at pumuksa.— Testimonies for the Church, vol. 2, p. 269.KDB 328.2

    Huwag tayong lumuha at magdalamhati dahil sa buhay na ito'y hindi tayo malaya mula sa mga kabiguan at paghihirap. Kung sa kabutihan ng Diyos ay tinatawagan tayong tiisin ang mga pagsubok, tanggapin natin ang krus, at inumin ang mapait na saro, na inaalala na ang kamay ng Ama ang naglalagay nito sa ating mga labi. Magtiwala tayo sa Kanya sa kadiliman at gayon din sa kaliwanagan. Hindi ba natin kayang maniwala na ibibigay Niya ang lahat na ikabubuti natin? . . . Maging sa gabi ng pagdurusa, paano tayo makatatangging iangat ang puso at tinig sa pasasalamat at papuri, gayong naaalala natin ang pag-ibig Niya para sa atin na nahayag sa pamamagitan ng krus ng Kalbaryo?— Ibid., vol. 5, p. 316.KDB 328.3

    At kahit na natatakan na ang mga banal ng selyo ng buhay na Diyos, magkakaroon pa rin ng mga indibidwal na pagsubok silang Kanyang mga pinili. Darating ang mga personal na kahirapan; ngunit binabantayang mabuti ang hurno ng mga matang hindi papayag na mapuksa ang ginto. Nasa kanila ang di- nabuburang marka ng Diyos. Maaaring sabihin ng Diyos na nakasulat sa kanila ang sarili Niyang pangalan. Pinapasok sila ng Diyos.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 446.KDB 328.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents