Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naligaw ang Lahat, Mayo 1

    Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng PANGINOON ang lahat nating kasamaan. Isaias 53:6.KDB 131.1

    Anuman ang iyong mga kagulumihanan at pagsubok, ilatag mo sa harapan ng Panginoon ang iyong kaso. Maihahanda ang iyong espiritu para sa pagbabata. Mabubuksan ang landas para makatakas ang iyong sarili mula sa kahihiyan at problema. Kung mas mahina at kawalang-kaya ang pagkakakilala mo sa iyong sarili, magiging mas malakas ka sa Kanyang kalakasan. Habang mas mabigat ang iyong mga pasan, lalong pinagpala ang kapahingahan sa paglalagak ng mga ito sa iyong Tagapagdala ng pasan. Maaaring paghiwalayin ng mga pangyayari ang mga kaibigan; maaaring umagos sa pagitan natin at nila ang mga balisang katubigan ng malawak na dagat. Ngunit walang pangyayari, walang kalayuan, ang makapaghihiwalay sa atin mula sa Tagapagligtas. Nasaan man tayo, Siya'y nasa ating kanang kamay, upang tumulong, magpanatili, umalalay, at magpasaya. Higit na dakila kaysa pagmamahal ng ina para sa kanyang anak ang pagmamahal ni Cristo para sa Kanyang mga tinubos. Pribilehiyo natin ang mamahinga sa Kanyang pag-ibig; na sabihing, “Magtitiwala ako sa Kanya; sapagkat ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa akin.” Maaaring magbago ang pag-ibig ng tao; ngunit walang kinikilalang pagbabago ang pag-ibig ni Cristo. Kapag nagsusumamo tayo sa Kanya para sa tulong, nakaunat ang Kanyang kamay upang magligtas.— The Ministry of Healing, p. 72.KDB 131.2

    Kailanma'y hindi mo dapat isipin na malayo si Cristo. Palagi Siyang malapit. Napalilibutan ka ng Kanyang buhay na presensya. . . . Ninanais Niyang hindi mo lamang mahawakan ang Kanyang kasuotan, kundi lumakad na kasama Niya sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan.— Ibid., p. 85.KDB 131.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents