Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tiniyak ang Gawain ni Cristo, Oktubre 18

    Ang Espiritu ng Panginoong DIYOS ay sumasaakin; sapagkat hinirang ako ng PANGINOON upang ipangaral ang mabuting balita sa inaapi kanyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magpahayag ng kalayaan sa mga bihag, at buksan angbilangguan sa mga bilanggo. Isaias 61:1.KDB 306.1

    Lumibot Siyang gumagawa ng kabutihan, at pinagagaling ang lahat ng pinahirapan ni Satanas. May mga bayan kung saan walang tahanang mariringgan ng mga daing ng karamdaman dahil Siya'y nagdaan doon, at pinagaling ang lahat ng may sakit. Nagbigay ng patotoo ang Kanyang gawain sa banal na pagkahirang sa Kanya ng Diyos. Nahayag ang pag-ibig, habag, at pagmamahal sa bawat pagkilos sa Kanyang buhay. Naantig ang Kanyang puso sa matimyas na simpatya para sa mga anak ng tao. Tinanggap Niya ang likas ng tao, upang Kanyang abutin ang mga ninanasa ng tao. Hindi nangangambang lumapit sa Kanya ang mga pinakamahirap at pinakaaba. Maging ang mga maliliit na bata ay nahahalina sa Kanya. Gustung-gusto nilang sumampa sa Kanyang mga tuhod, at tumingin sa Kanyang mahinahong pagmumukha, na punong- puno ng pagmamahal. Hindi inilihim ni Jesus ni isa mang salita ng katotohanan, kundi palagi Niya itong binibigkas sa pagmamahal. Siya'y lubusang maingat sa pananalita, at maalalahanin, at may mabuting paglingap sa Kanyang pakikipag- usap sa mga tao. Hindi Siya naging magaspang sa pananalita, hindi nagbitaw ng di-kinakailangang mahigpit na salita, hindi nagbigay ng di-kinakailangang pasakit sa kaluluwang maramdamin. Hindi Niya hinatulan ang kahinaan ng tao. Nagsalita Siya ng katotohanan, ngunit palaging sa pagmamahal. Tinuligsa Niya ang pagpapaimbabaw, kawalang-pananampalataya, at pagkakasala; ngunit may mga luha sa Kanyang tinig habang binibigkas Niya ang Kanyang mga matalas na pagsaway. Iniyakan Niya ang Jerusalem, ang lunsod na Kanyang minamahal, na tumangging tanggapin Siya bilang Daan, Katotohanan, at Buhay. Itinakwil nila Siya, ang Tagapagligtas, ngunit magiliw pa rin Niya silang pinakitunguhan. Ang buhay Niya'y puno ng pagtanggi sa sarili at pagkamaalalahanin sa kapwa. Mahalaga ang bawat kaluluwa sa Kanyang paningin. Samantalang hindi Siya nagdala sa Kanyang sarili ng banal na dignidad, yumuko Siya na may pinakamatimyas na pagpapahalaga sa bawat kaanib ng sambahayan ng Diyos.— Steps to Christ, pp. 11, 12.KDB 306.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents