Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Matagal Tayong Magagalak sa Gawa ng Ating mga Kamay, Disyembre 28

    Sila'y hindi magtatayo at iba ang titira, sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagkat gaya ng mga araw ng punungkahoy, ay magiging gayon ang mga araw ng aking bayan, at matagal na tatamasahin ng aking pinili ang gawa ng kanilang mga kamay. Isaias 65:22.KDB 379.1

    Nakarinig ako ng mga sigaw ng tagumpay mula sa mga anghel at mula sa mga banal na tinubos, na katulad ng tunog ng sampung libong instrumento ng musika, dahil sila'y hindi na mayayamot at matutukso ni Satanas, at dahil ang mga naninirahan sa ibang mga mundo'y naligtas mula sa kanyang presensya at mga panunukso.— Early Writings, p. 290.KDB 379.2

    Doon kapag naalis ang lambong na nagpapadilim sa ating paningin, at makikita ng ating mga mata ang mundo ng kagandahan na sa ngayo'y nakikita natin ang mga sulyap sa pamamagitan ng mikroskopyo; kapag tumitingin tayo sa kaluwalhatian ng kalangitan, na ngayo'y natitingnan natin nang malayuan sa pamamagitan ng teleskopyo; kapag, naalis na ang epekto ng kasalanan, makikita ang buong lupa “sa kagandahan ng Panginoon nating Diyos,” gaano kagandang larangan ang mabubuksan para sa ating pag-aaral! Doo'y maaaring mabasa ng mag-aaral ng siyensya ang mga tala ng paglalang, at walang makikitang mga paalala ng batas ng kasamaan. Maaari siyang makinig sa musika ng mga tinig ng kalikasan, at walang matutuklasang nota ng panaghoy o tunog ng kalumbayan. Sa lahat ng mga bagay na nilalang maaari niyang mabakas ang iisang sulat-kamay—sa malawak na sansinukob makikita ang “pangalan ng Diyos sa malalaking titik,” at wala ni isang tanda ng kasamaang nananatili sa buong lupa o karagatan.— EDUCATION, p. 303.KDB 379.3

    “At ang bayan Ko ay maninirahan sa payapang tahanan, at sa mga ligtas na tirahan, at sa mga tiwasay na dakong pahingahan” (Isaias 32:18) .KDB 379.4

    “Hindi na maririnig sa iyong lupain ang Karahasan, ni ang pagkawasak o pagkagiba sa loob ng iyong mga hangganan; ang iyong mga pader ay tatawagin mong Kaligtasan, at Papuri ang iyong mga pintuan” (Isaias 60:18).KDB 379.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents