Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Pangalan Niya'y Aking Kanlungan, Setyembre 21

    Ang pangalan ng PANGINOON ay isang toreng matibay; tinatakbuhan ng matuwid at doon siya'y tiwasay. Kawikaan 18:10.KDB 278.1

    Ang mga lunsod ng kanlungan na itinalaga para sa matandang bayan ng Diyos ay mga simbolo ng kanlungan na ibinigay [sa atin] kay Cristo. Siyang mahabaging Tagapagligtas na nagtalaga sa mga makalupang lunsod ng kanlungan, sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo, ay may inihandang tiyak na lugar para sa mga lumabag sa kautusan ng Diyos na kanilang matatakbuhan para sa kaligtasan mula sa ikalawang kamatayan. Walang kapangyarihang makaaagaw mula sa Kanyang mga kamay ng mga kaluluwang lumalapit sa Kanya para sa kapatawaran.— Patriarchs and Prophets, p. 516.KDB 278.2

    Nagsisikap si Satanas na dalhin tayo sa tukso, upang ang kasamaan ng ating mga karakter ay mahayag sa harap ng mga tao at mga anghel, upang maangkin Niya tayo bilang Kanyang pag-aari. . . . Dinadala tayo ng kaaway sa pagkakasala, pagkatapos ay pinararatangan tayo sa harap ng makalangit na sansinukob bilang mga hindi karapat-dapat sa pagmamahal ng Diyos. . . .KDB 278.3

    Ang Diyos, sa Kanyang dakilang pag-ibig ay nagsusumikap na linangin sa ating kalooban ang mahahalagang biyaya ng Kanyang Espiritu. Pinahihintulutan Niya tayong makaharap ang mga hadlang, pag-uusig, at kahirapan, hindi bilang sumpa, kundi bilang pinakadakilang biyaya sa ating mga buhay. Ang bawat tuksong natanggihan, bawat pagsubok na matapang na hinarap ay nagbibigay sa atin ng bagong karanasan, at pinasusulong tayo sa gawain ng paghubog ng karakter. Ang kaluluwang tinatanggihan ang tukso sa pamamagitan ng banal na kapangyarihan ay nagpapahayag sa sanlibutan at sa makalangit na sansinukob ng kahusayan ng biyaya ni Cristo. . . .KDB 278.4

    Ang tanging tagapagsanggalang laban sa kasamaan ay ang pananahan ni Cristo sa ating mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran. May kapangyarihan ang tukso sa atin dahil may pagkamakasarili sa ating mga puso. Ngunit kapag minamasdan natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos, nakikita natin ang pagkamakasarili sa napakapangit at nakapandidiri nitong karakter at nanasain nating iwaksi ito mula sa kaluluwa.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 116-118.KDB 278.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents