Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Tirahan ng Diyos ang Siyang Tahanan ng mga Naligtas sa Hinaharap, Disyembre 12

    Huwag mabagabag ang inyong puso. Sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya rin naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Kung hindi gayon, sasabihin ko ba sa inyo na ako'y paparoon upang ihanda ko ang lugar para sa inyo? At kung ako'y pumunta roon at maihanda ko ang isang lugar para sa inyo, ako'y babalik at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroroon, kayo rin ay naroroon. Juan 14:1-3.KDB 363.1

    Nasa harapan ng natubos na karamihan ang banal na lunsod. Binubuksang mabuti ni Jesus ang pintuang perlas, at pumapasok ang mga bansang nag-ingat ng katotohanan. Doo'y makikita nila ang Paraiso ng Diyos, ang tahanan ni Adan sa kanyang kawalang-kasalanan. Pagkatapos ay ang tinig na iyon, na higit na maganda kaysa sa anumang musika na narinig ng mga mortal na pandinig, ay nagsasabing, “Nagwakas na ang inyong pakikipagtunggali.” “Halikayo, mga pinagpala ng Aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkatatag ng sanlibutan.”— The Great Controversy, p. 646.KDB 363.2

    Pagkatapos ay nakita ko ang lubhang karamihan ng mga anghel na nagdadala mula sa lunsod ng mga maluluwalhating putong—isang putong para sa bawat banal, na may pangalan niyang nakasulat doon. Habang nananawagan si Jesus para sa mga putong, ang mga ito'y ibinigay sa Kanya ng mga anghel, at sa pamamagitan ng sarili Niyang kanang kamay, inilagay ng maibiging si Jesus ang mga putong sa ulo ng mga banal. Sa gayunding paraan nagdala ng mga alpa ang mga anghel, at ibinigay rin ni Jesus ang mga ito sa mga banal. Ang nangungunang mga anghel ang unang nagpatunog, at pagkatapos ay iniangat ang bawat tinig sa nagpapasalamat at masayang papuri, at ang bawat kamay ay may kahusayang kinalabit ang mga kwerdas ng alpa, na nagbibigay ng magandang musika sa mayaman at dalisay na tunog. Pagkatapos ay nakita ko si Jesus na pinangungunahan ang mga natubos sa pintuan ng lunsod. Hinawakan Niya ang pintuan at itinulak ito sa mga nagniningning nitong bisagra, at sinabihan Niya ang mga bansang nag-ingat sa katotohanan na pumasok. Sa loob ng lunsod naroon ang lahat ng bagay na nakalulugod sa paningin. Saanman ay makikita ang mayamang kaluwalhatian.— Early Writings, p. 288.KDB 363.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents