Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinatatag Niya ang Aking mga Hakbang, Setyembre 19

    Iniahon niya ako sa hukay ng pagkawasak, mula sa putikang lusak, at itinuntong niya ang mga paa ko sa isang malaking bato, at pinatatag ang aking mga hakbang. Awit 40:2.KDB 276.1

    Ang buhay Cristiano ay higit pa kaysa sa ipinalalagay ng iba. Hindi ito binubuo lamang ng kahinahunan, pagtitiyaga, kaamuan, at kabutihang- loob. Mahahalaga ang mga biyayang ito; ngunit kailangan din ang katapangan, lakas, enerhiya, at pagsusumikap. Makitid at nangangailangan ng pagtanggi sa sarili ang landas na inihanda ni Cristo. Ang pumasok at magpatuloy sa gitna ng mga kahirapan at panghihina ng kalooban ay nangangailangan ng mga taong hindi mahina.KDB 276.2

    Kinakailangan ang mga taong makatatagal, mga taong hindi mag-aantay na maging madali ang kanilang daan, at matanggal ang bawat balakid, mga taong magpapasigla sa mga nanghihinang pagsusumikap ng mga manggagawang nasisiraan ng loob, mga taong mainit sa Cristianong pag-ibig, at may mga malalakas na kamay upang gampanan ang gawain ng Panginoon.KDB 276.3

    Ang ilang nakikilahok sa misyonerong paglilingkod ay mahihina, walang lakas ng loob, walang espiritu, at madaling panghinaan ng loob. Kulang sila sa tulak. Wala sila ng mga positibong likas ng karakter na nagbibigay lakas upang gumawa—ang espiritu at lakas na nagpapaningas ng kasiglahan. Silang mga nagnanais magtagumpay ay kailangang maging matapang at puno ng pag- asa. Kailangan nilang linangin hindi lamang ang mga di-aktibo kundi pati ang mga aktibong katangian. Samantalang sila'y kailangang makapagbigay ng mahinahong tugon na nag-aalis ng galit, sila'y kailangang mayroong katapangan ng isang bayani upang labanan ang kasamaan. Taglay ang pag-ibig na tinitiis ang lahat ng bagay, kailangan nila ang puwersa ng karakter na gagawing positibong kapangyarihan ang kanilang impluwensiya. . . .KDB 276.4

    Mayroong kapangyarihang di-maaaring malupig sa tunay na Cristianong karakter na hindi mababago o magagapi ng mga kagipitan. Dapat tayong magkaroon ng moral na lakas, isang katapatang hindi mahihibo, masusuhulan, o matatakot.— The Ministry of Healing, pp. 497, 498.KDB 276.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents