Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Siya ang Tunay na Diyos, Enero 1

    Ngunit ang Panginoon ang tunay na Diyos; siya ang buhay na Diyos at walang hanggang Hari. Sa kanyang poot ang lupa'y nayayanig, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kanyang galit. Jeremias 10:10.KDB 7.1

    Gaya ng ating Tagapagligtas, tayo ay nasa mundong ito para gumawa ng paglilingkod sa Diyos. Naririto tayo para maging gaya ng Diyos sa karakter, at sa pamamagitan ng buhay paglilingkod ay ipahayag Siya sa mundo. Para maging kamanggagawa ng Diyos, para maging kagaya Niya, at maihayag ang Kanyang karakter, kailangang makilala natin Siya nang tama. Dapat natin Siyang makilala ayon sa pagpapakilala Niya ng Kanyang sarili.KDB 7.2

    Ang pagkakilala sa Diyos ay ang pundasyon ng lahat ng tunay na edukasyon at ng lahat ng tunay na paglilingkod. Ito lamang ang tanging tunay na sanggalang laban sa mga tukso. Tanging ito lamang ang makagagawa sa ating maging kagaya ng Diyos sa karakter. Ito ang kaalamang kinakailangan ng lahat ng gumagawa para sa pagpapasigla ng kanyang kapwa. Ang pagbabago ng karakter, kadalisayan ng buhay, pagiging epektibo sa paglilingkod, pagsunod sa sa mga tamang prinsipyo, ang lahat ay nakadepende sa tamang pagkakilala sa Diyos. Ang kaalamang ito ay mahalaga para sa paghahanda sa buhay na ito at gayundin sa buhay na darating.KDB 7.3

    “Ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.”KDB 7.4

    Sa pamamagitan ng pagkakilala sa Kanya ay ibinigay sa atin “ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan.” . . . Kailangan nating pag- aralan ang kapahayagan ng Kanyang sarili na ibinigay ng Diyos.— THE MINISTRY OF HEALING, pp. 409, 410.KDB 7.5

    Ang maliwanag na pagka-unawa kung ano ang Diyos at ano ang hinihingi Niya sa atin na maging, ay magdadala sa atin sa kapaki-pakinabang na pagpapakumbaba.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, p. 53.KDB 7.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents