Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagdadala ng Kapayapaan ang Pagtatalaga, Setyembre 23

    May dakilang kapayapaan ang mga umiibig sa iyong kautusan, walang anumang sa kanila ay makapagpapabuwal. Awit 119:165.KDB 280.1

    Habang mas kakaunti ang tinataglay ng tao sa kanyang espiritu at karakter ng kaamuhan at kababaan ni Cristo, mas nakikita niya ang kasakdalan ng kanyang sariling mga pamamaraan, at kawalan ng kasakdalan sa mga pamamaraan ng iba.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 191.KDB 280.2

    Wala ng higit pang kailangan sa gawain kaysa sa mga praktikal na resulta ng pakikipagniig sa Diyos. Dapat na ipakita natin sa pamamagitan ng pang- araw-araw nating kabuhayan na mayroon tayong kapayapaan at kapahingahan sa Diyos. Magniningning sa mukha ang Kanyang kapayapaang nasa puso. Magbibigay ito sa tinig ng kapangyarihang nakahihikayat. Magdudulot ng moral na pagtataas sa karakter at gayundin sa buong pagkilos ang pakikipagniig sa Diyos. Makikilala tayo ng mga tao na nakasama natin si Jesus, na katulad din sa mga naunang alagad.— Testimonies for the Church, vol. 6, p. 47.KDB 280.3

    Ang kapayapaan ni Cristo ay naitatag sa katotohanan. Ito'y pagiging kasundo sa Diyos. Ang sanlibutan ay nakikipaglaban sa kautusan ng Diyos; ang mga makasalanan ay nakikipaglaban sa kanilang Maylikha; at bunga nito, sila'y nakikipaglaban sa isa't isa. Ngunit inihahayag ng mang-aawit, “May dakilang kapayapaan ang mga umiibig sa Iyong kautusan, walang anumang sa kanila ay makapagpapabuwal.” Hindi makagagawa ang mga tao ng kapayapaan. Ang mga panukala ng tao para sa pagdadalisay at pagtataas ng mga indibiduwal o ng lipunan ay hindi makapagdudulot ng kapayapaan, dahil hindi nila naaabot ang puso. Ang tanging kapangyarihang makagagawa ng tunay na kapayapaan ay ang biyaya ni Cristo. Kapag ito'y itinanim sa puso, itatakwil nito ang mga masasamang damdaming nagiging sanhi ng alitan at pagtatalo. “Sa halip na tinik, puno ng sipres ang tutubo; sa halip na dawag, tutubo ang punong mirtol;” at ang disyerto ng buhay “ay magagalak at mamumulaklak; gaya ng rosas.”— The Desire of Ages, pp. 302-305.KDB 280.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents