Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi Masukat ang Pag-ibig ng Diyos na Gaya ng Kalangitan, Disyembre 2

    Kung ang mga langit sa itaas ay masusukat, at ang mga saligan ng lupa sa ilalim ay magalugad, akin ngang itatakuwil ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng PANGINOON. Jeremias 31:37.KDB 353.1

    Tanda ng “walang hanggang tipan sa pagitan ng Diyos at ng bawat nilalang na may buhay na nasa ibabaw ng lupa” ang bahaghari kasama ng arko ng liwanag na sumasaklaw sa kalangitan. At gayundin ang bahagharing nakapalibot sa trono sa kaitaasan ay tanda sa mga anak ng Diyos ng Kanyang tipan ng kapayapaan. Kung paanong ang bahaghari sa kalangitan ay resulta ng pagsasama ng sikat ng araw at ng ulan, gayundin ang bahaghari sa ibabaw ng trono ng Diyos ay kumakatawan sa pagsasama ng Kanyang habag at ng Kanyang katarungan.— EDUCATION, p. 115.KDB 353.2

    Ngunit nagagamit pa rin ang kapangyarihan ng Diyos sa pagtataguyod ng mga bagay sa Kanyang nilikha. Tumitibok ang pulso at ang hininga'y sinusundan ng hininga hindi dahil patuloy na kumikilos ang mekanismo sa pamamagitan ng sarili nitong lakas kapag pinakilos na. Ang bawat hininga, bawat tibok ng puso ay patunay ng pangangalaga Niya, na sa Kanya tayo'y nabubuhay, at kumikilos, at nasa Kanya ang ating pagkatao. Mula sa pinakamaliit na insekto hanggang sa tao, umaasa ang bawat nabubuhay na nilalang sa Kanyang kabutihan. . . . Ang malakas na kapangyarihan na gumagawa sa buong kalikasan at nagtataguyod sa lahat ng bagay ay hindi, na gaya ng sinasabi ng ilang tao ng siyensya, prinsipyo lamang na laganap sa lahat, isang enerhiyang nagpapakilos. Ang Diyos ay espiritu; ngunit Siya'y isa ring persona, dahil nilalang ang tao mula sa Kanyang wangis. . . . Bilang personal na Tagapagligtas, dumating Siya sa sanlibutan. Bilang personal na Tagapagligtas, umakyat Siya sa kaitaasan. Bilang personal na Tagapagligtas, namamagitan Siya sa makalangit na korte. Sa harapan ng trono ng Diyos para sa ating kapakanan ay naglilingkod “ang isang gaya ng Anak ng tao.”— Ibid., pp. 131, 132.KDB 353.3

    Tanging ang pag-ibig na umaagos mula sa puso ni Cristo ang makapag- papagaling. Siya lamang, kung kanino dumadaloy ang pag-ibig na iyon, kagaya ng dagta sa puno o ng dugo sa katawan, ang makapagpapanumbalik sa nasugatang kaluluwa.— Ibid., pp. 113, 114.KDB 353.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents