Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Sabihin Ninyo sa Inyong mga Anak, Oktubre 25

    Sabihin ninyo iyon sa inyong mga anak, at ng inyong mga anak sa kanilang mga anak, at ng kanilang mga anak sa susunod na salinlahi. Joel 1:3.KDB 313.1

    Hanggang hindi lumalakad ang mga magulang mismo sa kautusan ng Panginoon na may mga dalisay na puso, hindi sila magiging handang utusang sumunod sa kanila ang kanilang mga anak. Kinakailangan sa bagay na ito ang isang repormasyon—isang repormasyong malalim at malawak. . . . Dapat nilang matiyagang turuan ang kanilang mga anak, may kabaitan at walang-kapagurang turuan sila kung paano mamuhay upang magbigay-lugod sa Diyos.KDB 313.2

    Magiging handa ang mga anak ng gayong sambahayan na salubungin ang mga kasinungalingan ng kataksilan. Tinanggap nila ang Biblia bilang batayan ng kanilang pananampalataya, at mayroon silang isang pundasyon na hindi matatangay ng paparating na alon ng pag-aalinlangan. . . .KDB 313.3

    Tulad ng mga patriyarka ng matandang kapanahunan, silang nag-aangking nagmamahal sa Diyos ay dapat na magtayo ng altar sa Panginoon saanman sila nagtatayo ng kanilang tolda. Kung mayroon mang panahong kailangang maging bahay ng panalangin ang bawat tahanan, ngayon na. Dapat na madalas na iangat ng mga ama at ina ang kanilang mga puso sa Diyos sa mapagpakumbabang pagsusumamo para sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga anak. . . . Isang makapangyarihang argumento pabor sa katotohanan ng Cristianong relihiyon ang isang maayos na Cristianong sambahayan—isang argumentong hindi maitatatuwa ng mga walang pananampalataya.— Patriarchs and Prophets, pp. 143, 144.KDB 313.4

    Ang tahanan ang siyang unang paaralan ng bata, at dito kailangang mailatag ang pundasyon para sa isang buhay ng paglilingkod. Dapat na maituro ang mga prinsipyo nito hindi lamang sa teorya. Kailangan nilang hubugin ang pagsasanay sa buong buhay. Dapat na maituro nang maaga sa bata ang aralin ng pagiging matulungin. . . . Habang higit na ganap na lumalaganap ang espiritu ng tunay na ministeryo sa tahanan, lalong higit itong mapauunlad sa mga buhay ng mga bata. Matututo silang makahanap ng kasiyahan sa paglilingkod at magsakripisyo para sa kabutihan ng kapwa.— The Ministry of Healing, pp. 400, 401.KDB 313.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents