Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nananahan ang Diyos sa Pagitan ng mga Kerubin, Disyembre 10

    O PANGINOON ng mga hukbo, Diyos ng Israel na nakaupo sa mga kerubin. Ikaw ang Diyos, ikaw lamang, sa lahat ng mga kaharian sa lupa; ikaw ang gumawa ng langit at lupa. Isaias 37:16.KDB 361.1

    Ang tirahan ng Hari ng mga hari, kung saan libong libu-libo ang naglilingkod sa Kanya, at laksa-laksa ang nasa Kanyang harapan; ang templong iyon, na puno ng kaluwalhatian ng walang-hanggang luklukan, kung saan ang mga serafin, ang mga maningning na bantay, ay nagtatakip ng kanilang mga mukha sa pagsamba, ay makasusumpong, sa pinakamaringal na istrakturang nagawa ng mga kamay ng tao, ng malabong pagpapaaninag ng kalawakan at kaluwalhatian nito. . . .KDB 361.2

    Sa templo sa langit, sa tirahan ng Diyos, natatag ang Kanyang trono sa katuwiran at kahatulan. Nasa pinakabanal na dako ang Kanyang kautusan, ang dakilang pamantayan ng katuwiran na sa pamamagitan nito'y sinusubok ang buong sangkatauhan. Ang kaban na naglalaman ng mga tapyas ng kautusan ay natatakpan ng luklukan ng awa, na sa harapan nito'y ipinakikiusap ni Cristo ang Kanyang dugo para sa makasalanan. Sa ganitong paraa'y inilalarawan ang pagsasama ng katarungan at kahabagan sa panukala ng pagtubos sa tao. Tanging walang-hanggang karunungan lamang ang makaiisip ng pagsasamang ito, at walang-hanggang kapangyarihan lamang ang makatutupad; ito'y pagsasama na pumupuno sa buong kalangitan ng pagkamangha at pagsamba. Ang mga kerubin ng makalupang santuwaryo, na nakatingin pababa na may paggalang sa luklukan ng awa ay kumakatawan sa pagmamalasakit na tinataglay ng hukbo sa langit sa pagbubulay-bulay sa gawain ng pagtubos. Ito ang hiwaga ng kahabagan na ninanais ng mga anghel na tingnan—na ang Diyos ay maaaring maging makatarungan samantalang Kanyang binibigyang-katuwiran ang makasalanang nagsisisi, at pinaninibago ang Kanyang pakikipag-ugnayan sa nagkasalang lahi; na si Cristo'y bababa upang itaas ang hindi mabilang na karamihan mula sa hukay ng pagkapahamak, at damtan sila ng malilinis na kasuotan ng Kanyang sariling katuwiran, upang makiisa sa mga anghel na hindi nagkasala, at manirahan nang walang hanggan sa presensya ng Diyos.— The Great Controversy, pp. 414, 415.KDB 361.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents