Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Walang Bagay na Napakahirap sa Iyo, Disyembre 8

    Ah Panginoong DIYOS! Ikaw ang siyang gumawa ng langit at ng lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay! Walang bagay na napakahirap sa iyo. Jeremias 32:17.KDB 359.1

    Nang nagmula ang mundo sa kamay ng Maylalang, ito'y napakaganda. Ang ibabaw nito'y sari-saring mga bundok, burol, at kapatagan, na sinasalitan ng mga maringal na ilog at magagandang lawa; ngunit ang mga burol at bundok ay hindi matarik at baku-bako, na maraming matatarik at nakatatakot na bangin kagaya ngayon; ang matatalim, baku-bakong gilid ng mabatong lupa ay dating nakalubog sa ilalim ng matabang lupa, na saanman ay nagdudulot ng mayabong na pagtubo ng luntian. Walang mga maruruming latian o tigang na disyerto. Binabati ang paningin ng magagandang mga halaman at bulaklak sa bawat dako. Ang mga mataas na dako ay nakokoronahan ng mga punong higit na maringal kaysa sa mga makikita ngayon. Ang hangin, na hindi nabahiran ng mabahong singaw, ay malinaw at nakapagpapalusog. . . .KDB 359.2

    Pagkatapos lalangin ang lupa kasama ang marami nitong buhay ng hayop at halaman, ang tao, ang pinakatampok sa nilikha ng Manlalalang, at kung para kanino iniangkop ang magandang lupa, ay dinala sa harapan. . . . Dito'y malinaw na ipinakikita ang pinagmulan ng sangkatauhan; at napakalinaw ng pagkakalahad ng banal na tala na walang dahilan para sa maling pagkakaintindi. . . . Siyang naglagay ng mga mabituing mundo sa kaitaasan, at maingat na kinulayan ang mga bulaklak sa parang, na pumuno sa lupa at sa langit ng mga kamanghaan ng Kanyang kapangyarihan, noong dumating Siya upang koronahan ang Kanyang maluwalhating gawa, upang maglagay ng isa sa gitna para tumayo bilang tagapanguna ng magandang lupa, ay hindi nabigo na lumalang ng isang karapat- dapat sa kamay na nagbigay sa kanya ng buhay. . . . Bagaman hinugis mula sa alabok, si Adan ay “anak ng Diyos.”— Patriarchs and Prophets, pp. 44, 45.KDB 359.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents