Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ginawa Niya at Pinananatili ang Lahat, Disyembre 5

    Ikaw ang PANGINOON, ikaw lamang. Ikaw ang gumawa ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat ng natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na naroon, ng mga dagat at ng lahat na naroon, at pinananatili mo silang lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo. Nehemias 9:6.KDB 356.1

    Ang pinakamabuting paraan para turuan ang mga pagano na hindi nakakikilala sa Diyos, ay sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa. Sa ganitong paraa'y higit na madaling maipakikilala sa kanila ang kaibahan sa pagitan ng kanilang mga diyus-diyosan, na gawa ng kanilang mga kamay, at ng tunay na Diyos, ang Maylalang ng langit at lupa. . . . May kapayakan at kadalisayan sa mga aral na ito na direktang mula sa kalikasan na ginagawa silang may pinakamataas na kahalagahan sa ibang mga tao kasama ang mga pagano. Ang mga bata at kabataan, lahat ng uri ng mga mag-aaral, ay nangangailangan ng mga aral na maaaring hanguin mula sa pinagkukunang ito. Ang kagandahan ng kalikasan sa sarili nito ay nagpapalayo ng kaluluwa sa kasalanan at makasanlibutang pang-akit, at patungo sa kadalisayan at kapayapaan, at sa Diyos.KDB 356.2

    Dahil dito, mabuting gawain para sa mga bata at kabataan ang pagbubungkal ng lupa. Dinadala sila sa tuwirang pakikipag-ugnayan sa kalikasan at sa Diyos ng kalikasan. At upang magkaroon sila ng kapakinabangang ito, dapat na mayroon, hangga't maaari, kaugnay sa mga paaralan, ng malalaking mga halamanan ng bulaklak at malalawak na lupain para sa pagtatanim. . . . Sa natural na mundo, inilagay ng Diyos sa kamay ng mga anak ng tao ang susi upang mabuksan ang kamalig ng kayamanan ng Kanyang Salita. Inihahayag ng nakikita ang hindi nakikita; ang banal na karunungan, walang-hanggang katotohanan, walang katapusang biyaya, ay nauunawaan sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa ng Diyos. . . . Itulot na mapaunlad ang pag-iisip sa pinakamataas na kapasidad nito, at ang mga kalakasang pisikal na masanay para sa praktikal na mga tungkulin ng buhay. Ngunit turuan din ninyo sila na ginawa ng Diyos ang sanlibutan na maganda dahil nagagalak Siya sa ating kaligayahan; at inihahanda ang higit na magandang tahanan sa sanlibutang hindi na magkakaroon ng kasalanan.— Counsels to Parents, Teachers, and students, pp. 186-188.KDB 356.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents