Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Napanumbalik ang Tao sa Orihinal na Kataasan, Disyembre 26

    Ngunit sa inyo na natatakotsa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran, na may pagpapagaling sa kanyang mga pakpak. Kayo'y lalabas at luluksong parang mga guya mula sa silungan. Malakias 4:2.KDB 377.1

    Napanumbalik sa punungkahoy ng buhay sa matagal nang nawalang Eden, ang mga natubos ay “lalago” hanggang sa buong kataasan ng lahi sa naunang kaluwalhatian nito. Ang mga huling naiiwang mga bakas ng sumpa ng kasalanan ay maaalis, at mahahayag ang mga tapat kay Cristo “sa kagandahan ng ating Panginoong Diyos,” sa isip at kaluluwa at katawan na sinasalamin ang perpektong imahe ng kanilang Panginoon. O, kamangha- manghang pagtubos! Matagal ng pinag-uusapan, matagal ng inaasahan, pinag-iisipang may masidhing pananabik, subalit hindi lubos na nauunawaan.KDB 377.2

    Mababago ang mga nabubuhay na matuwid “sa isang saglit, sa isang kisap- mata.” Sa tinig ng Diyos na kanilang niluwalhati; ngayo'y ginagawa silang imortal, at kasama ng mga banal na nabuhay na mag-uli, sila'y tinangay upang salubungin ang kanilang Panginoon sa hangin. Ang mga anghel ay “titipunin ang Kanyang mga hinirang mula sa apat na hangin.” Dinadala ng mga banal na anghel ang maliliit na bata sa bisig ng kanilang mga ina. Muling nagkita ang mga magkaibigang matagal na pinaghiwalay ng kamatayan, na hindi na maghihiwalay pang muli, at umaakyat nang magkasama sa lunsod ng Diyos na may mga awit ng kasiyahan. . . .KDB 377.3

    Pinahinto ang mga nagniningning na hanay, sa hugis ng isang ukang parisukat na nakapalibot sa kanilang Hari, na may anyong umaangat sa karingalan nang higit sa banal at anghel, na may mukhang sumisilay sa kanila ng mga sinag na puno ng kaayaayang pagmamahal. . . . Mayroong putong para sa bawat isa, na mayroong sarili niyang “bagong pangalan,” at ang nakasulat na, “Kabanalan sa Panginoon.” Inilagay sa bawat kamay ang palma ng mananagumpay at ang nagniningning na alpa. Pagkatapos, habang pinatutunog ng mga nangungunang anghel ang unang nota, hinihipo ng bawat kamay na may kahusayan ang mga kwerdas ng alpa, na ginigising ang matamis na musika sa mayaman at mataginting na himig.— The Great Controversy, pp. 645, 646.KDB 377.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents