Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Inilagay Niya ang Saligan Nang Pasimula, Disyembre 9

    At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang saligan ng lupa, at ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay. Hebreo 1:10.KDB 360.1

    Inilagay ng dakilang si Jehovah ang mga saligan ng lupa; binihisan Niya ang buong mundo sa kasuotan ng kagandahan, at pinuno ito ng mga bagay na magagamit ng tao; nilalang Niya ang mga kamanghaan ng lupa at ng dagat. Natapos ang dakilang gawain ng paglalang sa loob ng anim na araw. “Nang ikapitong araw ay natapos ng Diyos ang gawain na Kanyang ginawa, at nagpahinga Siya nang ikapitong araw mula sa lahat ng gawaing Kanyang ginawa. At binasbasan ng Diyos ang ikapitong araw at Kanyang ginawang banal, sapagkat sa araw na iyon ay nagpahinga ang Diyos sa lahat ng gawain na Kanyang ginawa.” Tiningnan ng Diyos na may kasiyahan ang gawa ng Kanyang mga kamay. Perpekto ang lahat, karapat-dapat sa banal na May-akda, at nagpahinga Siya, hindi dahil sa pagod, kundi katulad ng isang nalulugod na mabuti sa mga bunga ng Kanyang karunungan at kabutihan at sa pagpapahayag ng Kanyang kaluwalhatian. . . .KDB 360.2

    Ang tahanan ng una nating mga magulang ay huwaran para sa ibang mga tahanan samantalang ang kanilang mga anak ay humahayo upang tirhan ang lupa. Iyong tahanan na iyon, pinaganda ng kamay ng Diyos mismo, ay hindi isang mainam na palasyo. Ang mga tao, sa kanilang pagmamataas, ay nalulugod sa mariringal at mamahaling mga gusali, at nagmamalaki sa gawa ng kanilang mga kamay; ngunit inilagay ng Diyos si Adan sa isang halamanan. Ito ang kanyang tirahan. Ang asul na kalangitan ang bubungan nito; ang lupa, na may magagandang mga bulaklak at alpombra ng luntian ay sahig nito, at ang madahon na mga sanga ng magagandang puno ang bubong nito. Nakabitin ang mariringal na palamuti sa mga pader nito—gawang-kamay ng Dakilang Tagadisenyo. May mga aralin para sa lahat ng kapanahunan sa kapaligiran ng banal na pares—na ang tunay na kasiyahan ay natatagpuan, hindi sa pagbibigay hilig sa pagmamataas at karangyaan, kundi sa pakikipagniig sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa.— Patriarchs and Prophets, pp. 47, 49.KDB 360.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents