Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naparito ang Anak ng Tao Upang Maglingkod, Oktubre 16

    Kung paanong ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang kanyang buhay na pantubos sa marami. Mateo 20:28.KDB 304.1

    Tinawagan Niya ang mga tao, hindi sa kapangyarihan, kundi sa paglilingkod, upang dalhin ng malalakas ang kahinaan ng mahihina. Ang kapangyarihan, posisyon, at edukasyon ay inilalagay ang nagtataglay sa kanila sa ilalim ng mas mabigat na pananagutan na paglingkuran ang kanyang kapwa. Maging sa pinakamababa sa mga alagad ni Cristo ay sinasabi, “Ang lahat ng mga bagay ay alang-alang sa inyo.” . . . Sa Kanyang mga alagad, si Cristo ay isang tagapangalaga, isang tagabuhat ng pasanin. Nakibahagi Siya sa kanilang kahirapan, tinanggihan Niya ang Kanyang sarili para sa kanila, nauna Siya sa kanila upang ayusin ang mas mahihirap na lugar, at hindi magtatagal Kanyang tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa sa pamamagitan ng pagbibigay ng sarili Niyang buhay. Ang prinsipyong pinagbatayan ng pagkilos ni Cristo ay ang pagpapasigla sa mga kaanib ng iglesya na Kanyang katawan. Ang panukala at batayan ng kaligtasan ay pag-ibig. Sa kaharian ni Cristo ang pinakadakila ay silang sumusunod sa halimbawang Kanyang ibinigay, at kumikilos bilang mga pastol sa Kanyang kawan.— The Desire of Ages, p. 550.KDB 304.2

    Ngunit inaabot tayo ni Cristo kung nasaan tayo. Tinanggap Niya ang ating likas at nanagumpay, upang tayo sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanyang likas ay managumpay. . . . Ipinakita ni Jesus, kung anong bumubuo sa katuwiran, at itinuro ang Diyos bilang Siyang pinagmumulan nito. Ngayo'y bumaling Siya sa mga tungkuling praktikal. Sa pagbibigay ng limos, sa pananalangin, sa pag-aayuno, sinabi Niya, walang dapat isagawa upang makatawag ng pansin o magkamit ng kapurihan para sa sarili. Magbigay kayo na may katapatan, para sa pakinabang ng mahihirap na nagdurusa. Sa panalangin, hayaang makipagniig ang kaluluwa sa Diyos. Sa pag-aayuno, humayo kayong hindi nakayuko ang ulo at may pusong puno ng mga kaisipan tungkol sa sarili. . . . Siyang lubos na nagpapasakop ng kanyang sarili sa Diyos ay magbibigay sa Kanya ng pinakakaaya-ayang paglilingkod. Dahil sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Diyos, ang mga tao'y nagiging manggagawang kasama Niya sa paghahandog ng Kanyang karakter sa sangkatauhan.— Ibid., p. 312.KDB 304.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents