Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ihasik Mo ang Iyong Tinapay sa Tubigan, Oktubre 6

    Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan, sapagkat ito'y iyong matatagpuan pagkaraan ng maraming araw. Eclesiastes 11:1.KDB 294.1

    Hindi maisasabuhay ang kautusan ng Diyos kung hindi naglilingkod sa kapwa. Ngunit marami ang hindi isinasakabuhayan ang mahabagin at hindi makasariling buhay ni Cristo. . . . Nagpapanukala at nag-aaral sila para lamang bigyang-lugod ang kanilang mga sarili. Kumikilos lamang sila sang-ayon sa kanilang mga sarili. Mahalaga lamang ang panahon sa kanila habang nagtitipon sila para sa kanilang mga sarili. Ito ang kanilang layon sa lahat ng paglakad ng kanilang buhay. Naglilingkod sila hindi para sa kapwa kundi para sa kanilang mga sarili. Nilalang sila ng Diyos upang mabuhay sa sanlibutang kailangang gampanan ang hindi makasariling paglilingkod. Inanyuan Niya sila upang tumulong sa kanilang kapwa sa lahat ng makakayang gawin. Ngunit napakalaki ng sarili na wala na silang makitang iba pa. Wala silang ugnayan sa sangkatauhan. Kagaya ng puno ng igos silang namumuhay sa ganitong paraan, na ginawa ang bawat pagkukunwari, ngunit walang bunga. . . . Sa paghatol na ibinigay sa puno ng igos, ipinakikita ni Cristo kung gaano kasama sa Kanyang paningin ang ganitong walang kabuluhang pagpapanggap. Sinasabi Niya na ang nagkakasala nang hayagan ay may mas kakaunting pagkakasala kaysa sa kanyang nag-aangking naglilingkod sa Diyos, ngunit hindi nagtataglay ng bunga para sa Kanyang kaluwalhatian.— The Desire of Ages, p. 584.KDB 294.2

    “Ako'y may pananagutan,” isinasaad ni Pablo, “sa mga Griyego at mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.” Gayon din tayo. Sa pamamagitan ng lahat ng nabigay na pagpapala sa ating buhay nang higit kaysa sa iba, nagiging may pananagutan tayo sa bawat taong maaari nating tulungan.KDB 294.3

    Hindi dapat itago ang mga katotohanang ito ni ipagkait. Hindi sa atin ang mga bagay na ating hinahawakan, at hindi kailanman dapat na malimutan ang katotohanang ito. Tayo'y mga tagapamahala lamang, at nakasalalay sa pagganap sa ating pananagutan sa Diyos at sa tao ang parehong kabutihan ng ating kapwa at ng ating sariling tadhana para sa buhay na ito at para sa buhay na darating.— EDUCATION, p. 139.KDB 294.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents