Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi na Maninira ang mga Mababangis na Hayop, Disyembre 29

    Ang asong-gubat at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o maninira man sa lahat kong banal na bundok, sabi ng Panginoon. Isaias 65:25.KDB 380.1

    Pagkatapos ay pumasok kami sa isang parang na puno ng lahat ng uri ng mga hayop—ang leon, ang kordero, ang leopardo, at ang lobo, na lahat ay magkakasama sa lubusang pagkakasundo. Dumaan kami sa kanilang kalagitnaan, at sumunod silang mapayapa. Pagkatapos ay pumasok kami sa kakahuyan, hindi katulad ng mga madidilim na kakahuyan na mayroon tayo rito; hindi, hindi; kundi maliwanag, at maluwalhati sa lahat ng dako; wumawagayway ang mga sanga ng mga punungkahoy, at lahat kami'y sumigaw, “Matiwasay tayong mananatili sa ilang, at matutulog sa kakahuyan.” Lumagpas kami sa kakahuyan, sapagkat patungo kami sa Bundok ng Zion. Habang naglalakbay kami, may nakasalubong kaming grupo na tumitingin din sa kaluwalhatian ng lugar. Nakita kong kulay pula ang hangganan ng kanilang mga kasuotan; maningning ang kanilang mga putong; at dalisay na puti ang kanilang mga kasuotan. Habang binabati namin sila, tinanong ko si Jesus kung sino sila. Sinabi Niya na sila'y mga martir na pinaslang para sa Kanya. Kasama nila ang hindi mabilang na grupo ng maliliit na bata; mayroon din silang laylayang pula sa kanilang mga kasuotan. Nasa harapan namin ang Bundok ng Zion, at sa bundok ay may maluwalhating templo, at sa palibot nito'y may pito pang ibang kabundukan, na tinutubuan ng mga rosas at liryo. At nakita ko ang maliliit na mga bata na umaakyat, o, kung gusto nila'y, gagamitin ang maliliit nilang mga pakpak at lumilipad sa tuktok ng mga bundok, at pipitasin ang mga bulaklak na hindi nalalanta. Naroon lahat ng uri ng puno sa palibot ng templo upang pagandahin ang lugar; ang boj, ang pino, ang sipres, ang puno ng langis, ang mirto, ang granada, at ang puno ng igos na yumuyuko sa bigat ng napapanahong igos—ginawa ng mga ito na lalong maluwalhati ang lugar. . . . At nakita ko ang isang hapag ng dalisay na pilak; ito'y maraming milya sa haba, ngunit maging ang aming mga mata'y makakikita hanggang dulo nito.— Early Writings, pp. 18, 19.KDB 380.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents