Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi na Roon Magkakaroon Pa ng Isinumpa, Disyembre 23

    At hindi na roon magkakaroon pa ng isinumpa. Ngunit ang trono ng Diyos at ng Kordero ay matatagpuan doon, at siya'y paglilingkuran ng kanyang mga alipin. Apocalipsis 22:3.KDB 374.1

    Natapos na ang malaking tunggalian. Wala ng kasalanan at mga makasalanan. Malinis na ang buong sansinukob. May isang pulso ng pagkakasundo at kasiyahan na tumitibok sa malawak na paglalang. Umaagos ang buhay at kaliwanagan at kasiyahan mula sa Kanya na lumalang sa lahat, sa buong nasasakupan ng walang-hangganang kalawakan. Mula sa pinakamaliit na atomo hanggang sa pinakamalaking mundo, ang lahat ng bagay, nabubuhay at hindi nabubuhay, sa kanilang hindi natakpan ng dilim na kagandahan at ganap na kaligayahan ay nagsasabing ang Diyos ay pag-ibig.— The Great Controversy, p. 678.KDB 374.2

    Maririnig ang tinig ng Diyos na tumatawag sa nangatutulog na banal, at habang tinitingnan ng propeta silang dumarating mula sa bahay-bilangguan ng kamatayan, sinasabi niya: “Ang iyong mga patay ay mabubuhay. . . . Magsigising at magsiawit sa kagalakan, kayong naninirahan sa alabok! Sapagkat ang Iyong hamog ay hamog na makinang, at sa lupain ng mga lilim ay hahayaan Mong bumagsak ito.”KDB 374.3

    “Kung magkagayo'y mamumulat ang mga mata ng bulag, at ang mga tainga ng bingi ay mabubuksan; Kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan.”KDB 374.4

    Sa mga pangitain ng propeta, silang nagtagumpay sa kasalanan at sa libingan ay ngayo'y makikitang masaya sa presensya ng Gumawa sa kanila, na nakikipag- usap nang malaya sa Kanya kung paanong nakipag-usap sa Diyos ang tao noong pasimula.— Prophets and Kings, pp. 728, 729.KDB 374.5

    Napakahina ng wika upang sumubok ng isang paglalarawan ng langit. Habang bumabangon ang mga tagpo sa aking harapan, ako'y napukaw sa pagkamangha. Nadadala sa labis na kaningningan at napakagandang kaluwalhatian, inilapag ko ang aking panulat, at nagsabing, “O, anong pag-ibig! Anong kamangha- manghang pag-ibig!”— Early Writings, p. 289.KDB 374.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents