Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nananahan Din ang Diyos sa Mapagpakumbabang Puso, Disyembre 11

    Sapagkat ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal: Ako'y naninirahan sa mataas at banal na dako, at gayundin sa may pagsisisi at mapagpakumbabang-loob, upang buhayin ang loob ng mapagpakumbaba, at upang buhayin ang puso ng may pagsisisi. Isaias 57:15.KDB 362.1

    Ipinahayag ni Cristo ang Diyos sa Kanyang mga alagad sa paraang nagsagawa sa kanilang mga puso ng isang espesyal na gawain, gaya ng matagal na Niyang iniuudyok sa atin na pahintulutan Siyang gawin sa ating mga puso. Marami ang, dahil sa labis na pagtutuon sa teorya, nakaligtaan ang buhay na kapangyarihan ng halimbawa ng Tagapagligtas. Nakaligtaan nila Siya bilang manggagawang mapagpakumbaba at tumatanggi sa sarili. Ang kailangan nila'y tingnan si Jesus. Araw-araw nating kailangan ang sariwang paghahayag ng Kanyang presensya.— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 317.KDB 362.2

    Magiliw na pinakitunguhan ng Panginoon ang Israel sa kanilang pagkaligtas mula sa pagkaalipin sa Ehipto at sa kanilang paglalakbay patungo sa lupang pangako. . . . “Ako'y sasaiyo,” ang pangakong naibigay sa panahon ng paglalakbay sa gitna ng ilang. Ang katiyakang ito'y nasamahan ng kagila-gilalas na paghahayag ng karakter ni Jehovah, na nagbigay lakas kay Moises na ihayag sa buong Israel ang kabutihan ng Diyos, at turuan silang lubos patungkol sa mga katangian ng kanilang hindi nakikitang Hari.— Prophets and Kings, p. 312.KDB 362.3

    Samantalang ang mismong hangin ay hindi nakikita, nagdudulot ito ng mga epektong nakikita at nadarama. Kaya sa gayong paraan ang gawain ng Espiritu sa kaluluwa ay magpapahayag sa bawat pagkilos niya na nakadama sa nagliligtas na kapangyarihan nito. Kapag sinasakop ng Espiritu ng Diyos ang puso, binabago nito ang buhay. Itinatakwil ang mga makasalanang pag-iisip, tinatalikuran ang masasamang gawain; kinukuha ng pag-ibig, pagpapakumbaba, at kapayapaan ang lugar ng kagalitan, pag-iimbot, at pakikipaglaban. Kinukuha ng kasiyahan ang lugar ng kalumbayan, at sinasalamin ng mukha ang liwanag ng kalangitan. Walang nakakikita sa kamay na nag-aangat sa pasanin, o sa liwanag na bumababa mula sa mga bulwagan sa kaitaasan. Dumarating ang pagpapala kapag, sa pamamagitan ng pananampalataya, isinusuko ng kaluluwa ang sarili nito sa Diyos.— Messages to Young People, p. 158.KDB 362.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents