Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Lahat ng Bagay Ay Ipinakita Ko sa Inyo, Oktubre 17

    Sa lahat ng bagay ay ipinakita ko sa inyo na sa ganitong paggawa ay dapat tulungan ang mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya mismo ang nagsabi, Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap. Gawa 20:35.KDB 305.1

    Sa mga mahihirap ay marami ang nagnanasang magpakita ng kanilang pasasalamat sa Diyos para sa Kanyang biyaya at katotohanan. Labis nilang ninanasang makapagbahagi kasama ang mas maunlad na mga kapatid para sa pagtataguyod ng Kanyang paglilingkod. Hindi dapat itaboy ang mga kaluluwang ito. . . . Kapag nagbigay mula sa pusong puno ng pagmamahal para sa Diyos, ang mga tila maliliit na mga bagay na ito'y nagiging mga banal na kaloob, mga handog na may halagang hindi matutumbasan, na may ngiti ng Diyos at pinagpapala.KDB 305.2

    Noong sinabi ni Jesus tungkol sa babaing balo na siya'y “naglagay ng higit kaysa kanilang lahat,” tunay ang Kanyang mga salita, hindi lamang sa motibo, kundi sa resulta ng kanyang kaloob. Ang “dalawang kusing na ang halaga'y halos isang pera” ay nagdala sa kaban ng Diyos ng halagang higit na malaki kaysa sa ibinigay ng mga mayayamang Judio. Naging katulad ng isang ilog ang impluwensiya ng maliit na kaloob na iyon, na maliit sa simula, ngunit lumalawak at lumalalim habang ito'y umaagos sa buong kapanahunan. Sa libu-libong paraan, ito'y nagbigay ng tulong sa mahihirap at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang kanyang halimbawa ng pagsasakripisyo ng sarili ay kumilos sa libu-libong mga puso sa bawat lugar at sa bawat kapanahunan. Ito'y nangusap sa kapwa mayayaman at sa mahihirap, at pinalaki ng kanilang mga handog ang halaga ng kanyang kaloob. Ang pagpapala ng Diyos sa dalawang kusing ng balo ay ginawa itong bukal ng mga dakilang resulta. Gayundin sa bawat kaloob at bawat pagkilos na ginampanang may tapat na pagnanasa para sa kaluwalhatian ng Diyos. Nakaugnay ito sa mga layunin ng Diyos. Walang makasusukat sa mga resulta nito para sa kabutihan.— The Desire of Ages, pp. 615, 616.KDB 305.3

    Ang pinakapangkaraniwang mga gawain, na ginampanang may mapagmahal na katapatan ay napakaganda sa paningin ng Diyos.— Prophets and Kings, p. 219.KDB 305.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents