Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi na Magkakaroon ng Kamatayan, Disyembre 25

    At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man, sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na. Apocalipsis 21:4.KDB 376.1

    Sinusundan si Cristo ng mga tunay na alagad Niya sa gitna ng masakit na mga pakikipagtunggali, na tinitiis ang pagtanggi sa sarili at dinadanas ang mapait na panghihina ng loob; ngunit tinuturuan sila nito ng kabagabagan at kaabahan ng kasalanan, at nadadala silang tingnan ito na may pagkamuhi. Kabahagi ng mga pagdurusa ni Cristo, sila'y naitadhanang maging kabahagi ng Kanyang kaluwalhatian. Sa banal na pangitain, nakita ng propeta ang pangwakas na tagumpay ng nalabing iglesya ng Diyos.— The Acts of the Apostles, p. 590.KDB 376.2

    Hindi maaaring manatili ang pasakit sa kapaligiran ng langit. Hindi na magkakaroon ng pagluha, walang mga awitin ng paglilibing, walang sagisag ng pagdadalamhati. . . .KDB 376.3

    Sa lunsod ng Diyos “hindi magkakaroon ng gabi.” Walang mangangailangan o magnanasa ng pagtulog. Hindi magkakaroon ng kapagalan sa pagganap sa kalooban ng Diyos at pagbibigay papuri sa Kanyang pangalan. Palagi nating mararamdaman ang kasariwaan ng umaga, at mananatiling malayo sa pagtatapos nito.— The Great Controversy, p. 676.KDB 376.4

    Doo'y babatiin ng mga natubos silang nagdala sa kanila sa Tagapagligtas at magkakaisa ang lahat sa pagpuri sa Kanya na namatay upang ang tao'y magkaroon ng buhay na kasing-sukat ng buhay ng Diyos. Tapos na ang tunggalian. Nagwakas na ang kapighatian at pag-aalitan. Napupuno ang buong kalangitan ng mga awit ng tagumpay habang masayang umaawit ang mga natubos, “Karapat-dapat, karapat-dapat ang Korderong pinaslang, at nabuhay na mag-uli, isang matagumpay na mananakop.— The Acts of the Apostles, p. 602.KDB 376.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents