Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Siya'y Nagmamalasakit Para sa Akin, Nobyembre 9

    llagak ninyo sa kanya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya'y nagmamalasakit sa inyo. 1 Pedro 5:7.KDB 329.1

    Itulot na ang lahat ng napipighati at ginagamit nang hindi makatarungan ay magsumamo sa Diyos. Lumayo kayo sa kanilang may mga bakal na puso, at ipahayag ninyo ang inyong mga kahilingan sa inyong Maylalang. Hindi itinataboy ang sinumang lumalapit sa Kanya na may mapagpakumbabang puso. Hindi nawawaglit ni isa mang panalangin. Sa gitna ng awitan ng makalangit na koro, naririnig ng Diyos ang panaghoy ng pinakamahinang tao. Ibinubuhos natin ang mga pagnanasa ng puso habang nasa ating mga silid, umuusal tayo ng panalangin habang lumalakad sa daan, at nakararating ang ating mga salita sa luklukan ng Hari ng sansinukob. Maaaring hindi ito naririnig ng pandinig ng tao, ngunit hindi ito mawawala sa katahimikan, ni hindi rin ito mawawala sa pamamagitan ng mga kaabalahang nagaganap. Walang maaaring lumunod sa pagnanasa ng kaluluwa. Umaangat ito sa ingay ng kalsada, sa ibabaw ng kaguluhan ng karamihan, tungo sa mga bulwagan sa langit. Nakikipag-usap tayo sa Diyos, at dinirinig ang ating panalangin.— Christ’s object Lessons, p. 174.KDB 329.2

    Hindi dapat natin padilimin ang sarili nating landas o ang landas ng iba sa pamamagitan ng anino ng ating mga paghihirap. Mayroon tayong Tagapagligtas na malalapitan, na dumidinig ng ating bawat sumbong. Maaari nating iwan sa Kanya ang lahat ng ating alalahanin at pasanin, kung gayo'y hindi na magiging mabigat ang ating paggawa o malupit ang ating mga pagsubok. . . . Sa pamamagitan ng paggamit ng buhay na pananampalataya, maaari kang humiwalay mula sa lahat ng hindi kasang-ayon sa pag-iisip ng Diyos, at sa pamamagitan nito'y madala ang langit sa iyong buhay ngayon dito sa lupa. Sa paggawa nito, magkakaroon ka ng liwanag sa bawat hakbang. Kapag nagsisikap ang kaaway na palibutan ang inyong kaluluwa ng kadiliman, umawit ka ng pananampalataya at bumigkas ng pananampalataya, at makikita mong naawit at nabigkas mo ang iyong sarili tungo sa kaliwanagan.— Counsels to Parents, Teachers, and students, pp. 233, 234.KDB 329.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents