Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kasimplihan, Oktubre 12

    At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito sa pangalan ng isang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo, tiyak na hindi siya mawawalan ng kanyang gantimpala. Mateo 10:42.KDB 300.1

    Dapat na maisulong ang gawain sa kasimplihan ng katotohanan. . . . Ipagpatuloy mo ang iyong gawain na may pagpapakumbaba. Huwag kang lalagpas sa kapayakan ng ebanghelyo ni Cristo. Makahahanap ka ng tagumpay sa paghihikayat ng mga kaluluwa hindi sa sining ng pagtatanghal, kundi sa pagtataas kay Cristo, ang Manunubos na nagpapatawad ng kasalanan. Habang gumagawa kang may pagpapakumbaba at kaamuan, ihahayag Niya ang Kanyang sarili sa iyo.— Testimonies for the Church, vol. 9, p. 142.KDB 300.2

    Marami ang nakadarama na walang kabuluhan ang kanilang mga buhay dahil hindi sila nakaugnay sa relihiyosong gawain, na wala silang ginagawa para sa pagpapasulong ng kaharian ng Diyos. Kung may magagawa silang dakilang bagay, gaano nga silang kagalak na gagawin ito! Ngunit dahil makapaglilingkod lamang sila sa maliliit na bagay, iniisip nilang tama lang na wala silang gawin. Dito'y nagkakamali sila. Maaaring masangkot ang isang tao sa aktibong paglilingkod sa Diyos samantalang nagsasagawa ng pangkaraniwang araw- araw na paglilingkod—habang pinuputol ang mga punungkahoy, naglilinis sa kapaligiran, o nag-aararo. Ang inang sinasanay ang kanyang mga anak para kay Cristo ay tiyak na gumagawa para sa Diyos na tulad din ng ministrong nasa pulpito. Marami ang nagnanasa para sa natatanging talento upang makagawa ng kamangha-manghang gawain, samantalang nakaliligtaan ang mga tungkuling malapit sa kanya, na gagawin sanang mahalimuyak ang buhay kung magagampanan ang mga ito. Hayaang gampanan ng mga ito ang mga tungkuling nasa kanilang dinaraanan. . . . Hindi ang pag-aangkin ng mga mahuhusay na talento ang nagbibigay sa atin ng kakayanan na magbigay ng katanggap-tanggap na paglilingkod; kundi ang matiyagang pagganap sa mga pang-araw-araw na tungkulin, ang espiritung may kasiyahan, ang dalisay at tapat na pagmamalasakit sa kapakanan ng ibang tao. Maaaring makita ang tunay na kahusayan sa mga simpleng katungkulan.— Prophets and Kings, p. 219.KDB 300.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents