Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ibinahagi sa Mananagumpay ang Trono ng Diyos, Disyembre 18

    Ang magtagumpay ay pagkakalooban ko na umupong kasama ko sa aking trono, gaya ko naman na nagtagumpay at umupong kasama ng aking Ama sa kanyang trono. Apocalipsis 3:21.KDB 369.1

    Pinalilibutan ng walang-hanggang bisig ng Diyos ang kaluluwang humihingi sa Kanya ng tulong, gaano man kahina ang kaluluwang iyon. Maglalaho ang mga mahahalagang bagay ng mga burol; ngunit ang kaluluwang nabubuhay para sa Diyos, na hindi nakikilos sa pamamagitan ng pagpuna, hindi nagagawang tiwali ng papuri, ay mananahan nang walang hanggan kasama Niya. Bubuksan ng lunsod ng Diyos ang mga ginintuang pintuan nito upang tanggapin siya na natuto habang nasa lupa na sumandig sa Diyos para sa paggabay at karunungan, para sa kaaliwan at pag-asa ss gitna ng kawalan at kahirapan. Sasalubungin siya ng mga awitan ng mgs anghel doon, at magbibigay ng bunga para sa kanya ang punungkahoy ng buhay.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 328.KDB 369.2

    Masusulat sa aklat ng alaala ang memoryal ng iyong buhay; at, kung sa huli'y magiging mananagumpay ka, magkakaroon ng mga kaluluwang maliligtas sa pamamagitan ng iyong mga pagsisikap, sa pamamagitan ng iyong pagtanggi sa sarili, sa mabubuti mong salita at matatag na buhay Cristiano. At kung ang mga gantimpala ay ibinigay na sang-ayon sa kanilang mga gawa, tatawagin kang pinagpala ng mgs kaluluwang natubos, at sasabihin ng Panginoon, “Magaling! Mabuti at tapat na alipin,” “pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon.”— Ibid., vol. 3, pp. 246,247.KDB 369.3

    “Sila'y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghaharing kasama Niya sa loob ng isang libong taon.” . . . Kaisa ni Cristo, hahatulan nila ang masasama, na inihahambing ang kanilang mga gawa sa aklat ng kautusan, ang Biblia, at pagpapasyahan ang bawat kaso sang-ayon sa mga gawang isinagawa sa katawan.— The Great Controversy, p. 661.KDB 369.4

    Pagkatapos mabago ang mga banal sa kawalang-kamatayan at nadala paitaas kasama ni Jesus, pagkatapos nilang matanggap ang kanilang mga alpa, ang kanilang mga kasuotan, at kanilang mga putong, at pumasok sa lunsod, uupo si Jesus at ang mga banal upang humatol.— Early Writings, p. 52.KDB 369.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents